Mayroon syang dalawang alagang hayop, ang Kalabaw at ang Kabayo.
Isang araw, may isang magsasaka ang nais mag bakasyon sa isang probinsya upang makapag pahinga muna sa trabaho.
Oo naman kaibigan, ilipat mo muna sa akin ang bitbit mo at magpahinga ka muna sa ilog.
Nang siya ay mag babakasyon na, ihinanda na niya ang kanyang mga gamit na dadalhin at isinakay na ang mga ito sa dalawang hayop. Sa dami ng ipinabitbit ng amo sa dalawang hayop ay nabigatan na ang kalabaw at sinabayan pa ito ng tirik ng araw. Nang manghina na si Kalabaw ay nag patulong siya sa kaniyang kaibigang si Kabayo.
Kaibigan ko, maari mo ba akong tulungan sa mga bitbit ko sapagkat napaka bigat nito.
Huminto saglit ang magkaibigan sa malapit na ilog upang makapag palamig si kalabaw doon.
Nag pahinga na ang kalabaw sa ilog at nagpalamig, habang ang kabayo muna ang nag bitbit ng mga gamit ng amo nila. Makalipas ang ilang oras ay bumalik na ang kalabaw galing sa ilog at nag dala na rin ng tubig para sa kanyang kaibigang kabayo.
Kaibigan, heto at uminom ka muna ng tubig at alam kong nabigatan ka rin sa dami ng binitbit mo habang wala ako.
Maraming salamat at dinalhan mo pa ako ng tubig dito, pagtapos kong inumin ito ay pwede na tayong tumuloy.
Matapos silang makapagpahinga ay tumuloy na sila sa patutunguhan nila.
At doon na nag tatapos ang storya ng Ang Kalabaw at ang Kabayo