Sina Kapitan Heneral, Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Padre Salvi, Padre Irene si Simoun at iba pang mga dugong-bughaw ay magalak na nagkwekwentuhan sa ibabaw ng Kubyerta ng Bapor Tabo na naglalayag sa ilog pasig.
Para sa mga karaniwang tao lamang ang sa ibaba ng kubyerta. Andito sina Basilio, isang mag-aaral sa kursong medisina, ang kanyang kaibigan na si Isagani na isang makata na katatapos lamang mag-aral at si Kapitan Basilio na nakisali sa usapan ng dalawang binata.
Si Kabesang Tales ay ang ama ni Juli, ang sinisinta ni Basilio. Ang kanilang bukid ay umunlad dahil kay kapitan Tiyago. Dumating ang isang araw na inangkin ng mga prayle ang lupain ni Kabisang Tales. Sinubukan niyang dalhin ito sa korte ngunit may mga koneksyon ang mga prayle sa gobyerno. Tuluyan nang hindi naipagtanggol ang kanyang titulo sa lupain.Kalaunan ay dinakip ng mga tulisan si Kabesang Tales dahil may perang nakita sa kanya. Itinubos siya ng halagang 500 pesos.
AMIN ANG IYONG LUPAIN!!!!
Nang pauwi na si Basilio ay biglang hinarangan ng mga gwardya sibil ang kutsero ng sinasakyan niyan kalesa. Binugbog ito ng mga gwardya dahil wala siyang sedula at hindi niya namalayan na sarado ang ilaw ng kalesa. Walang ibang nagawa si Basilio kundi maglakad na lamang pauwi.
Nang makauwi na si Basilio sa bahay ni kapitan Tiyago, imbis na magsalo at kumain ng noche buena ay masamang balita ang bungad ng bisperas ng pasko.
Iho, si Kabesang Tales ay nadakip!
Umalis si Basilio ng tahimik sa bahay ni Kapitan tiyago upang dalawin niya ang puntod ng kanyang ina. Anibersaryo kasi ng pagpanaw ng kanyang ina, nag-alay ng dasal sa puntod si Basilio. Papauwi na sana si Basilio hanggat may nakita siyang lalaki at nagtago sa likod ng puno. Mayat-maya ay lumabas sa pinagtataguan si Basilio upang tulungan ang lalaking naghuhukay. Tinutukan siya ng baril at tinanong kung kilala ba siya nito. Tugon ni Basilio ay oo at nalaman niyang siya ay walang iba kundi si Crisostomo Ibarra na ngayon ay Simoun. Nalaman ito ni Basilio dahil siya ang lalaking tumulong sa paglibing ng kanyang ina. Agad pinaliwanag ni Simoun kung ano ang kanyang mga motibo para maghiganti sa mga sumira ng kanyang buhay. Inanyayahan niya si Basilio na makilahok sa kanyang plano ngunit tumanggi ito.
Si Juli, ang anak ni Kabesang Tales at ang kasintahan ni Basilio ay nagsilbing alipin upang mabawi niya ang kanyang ama sa halagang 500 na piso. Kasabay nito ang pagbenta ng kanyang mga alahas maliban sa isa na bigay ni Basilio. Sumilbi siya kay Hermana Penchang. Sa bahay ni Hermana Penchang ay kadalasang inaapi si Juli dahil hindi siya marunong magbigkas ng mga dasal. Tinawag rin ni Hermana Penchang na isang demonyo si Basilio na pahamak sa kaluluwa ng dalaga.
DEMONYONG BABAE! KAYA MINAMALAS LOLO MO DAHIL HINDI KA NAGDARASAL!
Nakauwi naman si Kabesang Tales sa tulong ng mga tinrabaho ni Juli na salapi. Nalaman din niyang nagpaupang utusan si Juli, ang kanyang lupa ay pagmamay-ari na ng iba, at napipi ang amang si Tandang Selo. Pinapaalis na din siya sa kanyang bahay sa utos na rin ng hukuman at binigyan lamang ng tatlong araw para maialis ang lahat ng kanilang gamit. Ito nama’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng kanyang lupa. Dahil sa mga kaganapang ito ay naupo lamang sa isang tabi ang Kabesa at nanatiling walang kibo.