Isang kuwentuhan ukol sa nakaraan ang naganap noong isang araw. Matagal nasimula nang nagkaroon ng pandemyang pipigil sa amin upang magkita sa personal.Napag-alaman naming mas mahaba na pala ang oras na kami ay nag-uusap lamang sainternet kumpara sa haba ng oras noong mga panahong nagkakaroon kami ng harapharapang interkasyon. Sumang-ayon ang lahat na kung hindi nagkaroon ng lockdown aymaaari palang hindi naging ganito katibay ang aming pagkakaibigan. Gayunpaman, mayeksepsiyon na pumasok sa aking isipan.
Sa paglipas ng maraming taon ay marami akong relasyon at pagkakaibigan napinutol at ang rason ay hindi ko maaaring sabihin. Mayroon akong isang natatanging kaibigan. Palagi kaming magkasama sa eskuwelahan noon. Masasabi ko na siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat sapagkat marami kaming pinagdaanan at nalagpasan nang magkasama. Marami kaming ugali at interes na pinagkapareho. Pagdating sa mga bagay at taong kinaiinisan ay nagkakasundo rin kami.
Isang taon na ang nakakalipas simula nang magkaroon ng yupi sa aming relasyon.Isa itong pagkakamali na aking pinagsisisihan hanggang ngayon sapagkat ang epekto ayakin pa ring maoobserbahan. Natalo kami ng isang beses sa isang laro. Ako ay labis nanagalit sapagkat naobserbahan ko ang lahat ng mga maling nangyari at karamihan samga ito ay mapupuntirya sa kanya. Hindi ko nakontrol ang aking sarili. Naging insensitiboako at nagsabi ng mga masasakit na salita kasama na ang pagmumura.
Balik sa kasalukuyan, napag-usapan namin ito at ang nangyari ay pinagtawanan lamang. Tiyaka ko lang nalaman na umiyak pala siya noon. Alam niya na alam kong ako ang pinakamalapit sakanya subalit nagawa ko pa rin na magsabi ng mga masasakit na salita imbis na pag-usapan nalang ito. Gumawa daw siya ng isang liham tungkol dito subalit nahihiya siyang ipabasa sa akin noong mga panahong iyon.
Pinakita niya ito sapagkat nawala naman na ang mga masasakit na emosyon sa nangyari. Pagkatapos kong mabasa ang kanyang liham, sinabi ko ang aking saloobin pati na ang parte na kung saan ay nang mangyari iyon ay hindi na kami ganoon kalapit sa isa’t isa. Sinabi kosakanya nang diretso ang aking saloobin at ang kanyang naging sagot ay “Oo nga, ‘noh?
Dahil sa pangyayaring ito, napagtanto ko sa aking sarili na ang pagiging insensitibo ko ay ang nagresulta upang mapalayo kami sa isa’t isa. Natutunan ko na ang mga simpleng pagkakamali at hindi pagkakaintindihan ay nararapat na palagpasin na lamang o kaya ay pag-usapan sa maayos na paraan.