Okay. Ngayon pumunta na kayo sa kanya kanya nyong grupo. Mayroon kayong kalahating oras para sa preparasyon ninyo sa reporting tungkol sa kahalagahan ng edukasyon.
Ganto gagawin natin. Mag mungkahi muna tayo ng ating sariling mga opinyon. Pagkatapos nito ay saka natin alamin kung ano yung pinaka magandang gawin.
Sang-ayon ako sa iyong sinabi Zirus.
Maganda at mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang sandata natin sa kahirapan.
Natapos ang grupo nila sa pagpapalitan ng mga ideya. Gayun paman, bago matapos ang ibinigay na oras sa kanilang preparasyon, napagkasunduan nila na walang magiging lider at sila'y pantay pantay lamang.
Tama! ito ang nagiging daan tungo sa matagumpay na buhay!
Ito rin ang magsisilbing pundasyon at gabay natin sa buhay
Makatapos ang kanilang presentasyon. Tinawag ng guro isa-isa ang mga lider ng bawat grupo. At dahil walang lider ang grupo nina Zirus. Nag boluntaryo si Bryan na siya na lamang ang pumunta sa harapan. 
Dahil ikaw ang lider ng inyong grupo. Ikaw ang magbibigay ng ng grado ng iyong mga ka grupo
Isang daang porsyento po ang aking makukuha.  At tig pitung pu naman po ang aking mga ka grupo.
Bryan, hindi maganda ang ginawa mo kanina. Pantay pantay lamang ang ating naging kontribusyon.
Nakalipas na ang kalahating oras at tapos nanga ang kanilang klase. Marahan na kinompronta ng dalawa ang naging aksyon ni Bryan. Hindi nila nagawang komprontahin ito sa harapan ng klase dahil ayaw nilang mapahiya si Bryan sa buong klase, kaya minabuti nilang kausapin na lamang ito pagtapos ng kanilang klase.
Bukas ay kakausapin ko ang ating guro at aaminin ang aking naging pagkakamali.
Patawarin nyo ako sa aking ginawa. Hindi kona iyon uulitin. Nadala lamang ako ng aking emosyon. 
Lahat ng pagkakamali ay aral sa atin at ito'y isa sa mga pagsubok na kailangan nating mapagtagumpayan.
Huwag mong bitbitin itong iyong pagkakamali. Sa halip, ilagay mo ito sa iyong paanan at gamitin mo itong motibasyon upang maging mabuting tao.
Maraming salamat Zirus. Bukas na bukas. Kakausapin ko ang ating guro at itatama ko ang aking pagkakamali.