Noong panahong napadpad ang mga kastila sa Pilipinas, dumaong ang kanilang mga barko sa pulo ng Panay. Isa sa mga namumuno ng mga iyon ay ang mabait na Heneral Alejandro de la Cuesta.
Sa paglilibot ng mga sundalong pinangungunahan ng mabait na Heneral, nakatatanaw sila ng isang babaeng naglalaba sa batis. Lumapit sila sa babae, na may kasamang kambal na anak, upang itanong ang ngalan ng pook na kinaroroonan.
Ngunit, nakita ng babae ang mga kastila at ng dahil sa takot, siya ay dali-daling nagtatakbo palayo kasama ang kanyang dalawang anak.
Subalit hinabol ni Heneral dela Cuesta ang babae at magalang siyang nagtanong kung ano ang pangalan ng lugar na kanyang kinaroroonan sa wikang kastila. Como, es ilama eta provincial? wika ng heneral na ang ibig-sabihin ay Anong pangalan ng lugar na ito?
Como, es ilama eta provincial?
Hindi naintindihan ng babae ang tanong sa kanya at siya ay sumagot ng Capid... Capid... na ang ibig-sabihin ay kambal sa wikang bisaya. Ito ay sa pagaakalang ang tanong ng heneral ay Bakit magkamukha ang dalawang bata?.
Como, es ilama eta provincial?
Capid... Capid...
Agad na itinala ni Hen. de la Cuesta ang salitang Capid at nagpatuloy sa paglalakbay. Ngunit nang magusap-usap na sila tungkol sa pangalan ng lalawigan nahirapan silang bigkasin ang pangalan nit. Kaya't nagpagdesisyonan nilang Capiz na lamang ang itawag rito.