Si Nelson Mandela ay isang matapang na aktibista na ipinakulong dahil sa kaniyang paninindigan na wakasan ang sistemang apartheid sa bansa niya, upang mabigyan ng pantay na karapatan ang lahat. Siya ang naging unang Pangulo ng South Africa, matapos niyang makalaya mula sa piitan.Sa pagkakataong ito, ilang buwan pa lang ang lumipas mula nang matapos ang termino sa panunungkulan bilang Pangulo ng kinikilalang Ama ng Bayan .
Ako'y labis na kinakabahan sa pagsasalita dito dahil sa tatlong dahilan. Una, dahil ako ay isang matandang pensyonado.
Pangalawa, dahil ako'y walang trabaho.
At pangatlo, dahil mayroon akong napakasamang criminal record.
Nagsipag-tawanan ang mga mamamahayag na tagapakinig ni Nelson Mandela sa kaniyang pagtatalumpati.
Tunay nga na isang mahusay na tagapagsalita si Nelson Mandela, nakuha niya ang interes ng tagapakinig niya na mga mamamahayag mula man sila sa lokal na mga pahayagan o sa dayuhang institusyon.Naitawid rin niya ang mga isyung panlipunan na napaharap sa kaniya at napagtagumpayan - noon at ngayon.
Gawa ni Matthew Ivan R. Galvez, Grade 10- FERMI