Magbayad ka na ng iyong utang Quiroga. Pero kung papayag ka na itago ang mga armas sa iyong bodega ay babawasam ko ng dalawang libong piso ang iyong utang.
Nang dumating si Simoun ay sinigil niya si Quiroga sa kanyang utang na nagkakahalaga ng siyam na libong piso. Nalulugi daw ang Intsik kaya hindi makakabayad sa mag-aalahas. Inalok siya ni Simoun na babawasan ng dalawang libong piso ang utang kung papayag umano si Quiroga na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.
Slide: 3
Wala kang dapat ipangamba dahil ang mga baril ay unti-unting illipat sa ibang bahay.
Sige.
Wala daw dapat ipangamba ang Intsik dahil ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitan namang sumang-ayon si Quiroga.
Slide: 4
Samantala, ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.
Slide: 5
Ang grupo naman ng mga prayle ay pinag-uusapan ang tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.