Nang makauwi si Mathilde ay ikinuwento niya ito sa kay G. Loisel. Labis silang nanghinayang dahil sa kanilang nalaman, kung kaya't nag desisyon silang kausapin si Madame Forestier at nagbakasakaling mabawi nila ang kwintas na kanilang pinaghirapan sa loob ng maraming taon.
Nagtungo ang mag-asawa sa bahay ni Madame Forestier at lubos na nagmakaawa na maibalik sa kanila ang kwintas. Hindi naman nagdalawang isip si Madame Forestier dahil ito naman ay kanilang pinaghirapan ng mag-asawa.
Isinangla ng mag-asawa ang kuwintas. Hinati nila ang salapi at nilaan ang iba upang ipaayos ang kanilang tahanan. Naging masaya sila dahil kahit sila ay naghirap sa loob ng maraming taon, hindi pa rin napunta sa wala ang kanilang pinaghirapan.
Ngunit, habang patawid si Mathilde ay siya ay nasagasaan at agad ding binawiaan ng buhay. Sa kasamaang palad, nasa trabaho si G. Loisel nang maganap ang trahedyang sinapit ng kaniyang asawa.
Labis na nalungkot si G. Loisel, kung kaya't hindi na siya muling naghanap pa ng bagong asawa. Umuwi ang kaniyang anak mula sa kolehiyo na si Serene, dahil sa balitang yumao na nga ang kaniyang ina. Sila na lamang ang magkasama sa buhay hanggang sa magkaroon ng trabaho ang kaniyang anak.
Isang araw, binisita ng magkasintahang Serene at Aiden. Nakita ni G. Loisel na ang kuwintas na suot ng kaniyang anak ay kapareho ng naiwala nilang kuwintas. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang ama pala ni Aiden ang nakapulot ng kuwintas na naiwala ng mag-asawang Loisel at ipinamana lamang ito sa kanya ng ama niya. Dahil sa lubod kalungkutan at sakit na naramdaman, inatake si G. Loisel at ito ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!