Huy Angela, ano nga yung nangyari sa panahon ng Neokolonyal? 'Di ko kasi maalala eh
Hay nako Lisa, may quiz tayo bukas ah. Sige ikukwento ko sayo
Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Manuel L. Quezon nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang pambansa. Sinikap niyang mapasama sa Saligang Batas ng Komonwelt ang Artikulo XIV, Pangkat 3
Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupon na kinilalang Surian ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas Komonwelt 184 na siyang mag-aaral kung aling wikang katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang pambansa. Ang mga miyembro ng lupon ay nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa. Napili ang wikang Tagalog na maging batayan ng wikang pambansa sapagkat ito ang nakatugon sa tatlong panukatan.
Simula noon nagsimulang maglabas ang pamahalaan ng mga batas para sa pagpapalaganap ng wikang pambansa. Ilan sa mga ito ay:Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, na nagpapahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Diksyonaryong Tagalog - Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa
Proklamasyon Blg. 12, na nagsasaad ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng wikang Pambansa bilang pagbibigay-pahalaga sa kaaarawan ni BalagtasKautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na ang wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino
Salamat talaga, Angela
Marami pang ibang batas pero pag-aralan mo nalang. Haha!
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!