Search
  • Search
  • My Storyboards

Unknown Story

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nag ngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't pinag kaka- guluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
  • Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihingi ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sarason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila.
  • Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito. Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na angloob sa masugid na binata.
  • Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marining niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsaklubanng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining.
  • Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unangpag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa kanilang bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sasusunod na mga araw.
  • Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibanghalaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nag sisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing walang sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.
Over 30 Million Storyboards Created