Search
  • Search
  • My Storyboards

Akasya o Kalabasa?

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Akasya o Kalabasa?
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Slide: 1
  • Akasya o Kalabasa?
  • Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman.
  • Slide: 2
  • Akasya o Kalabasa?
  • Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Laguna.
  • Slide: 3
  • Akasya o Kalabasa?
  • Anak, pakabait ka ah, wag masyadong malikot. Oh, heto ang baon mo.
  • Anak, sasamahan muna kitang pumasok, baka kasi maligaw ka e.
  • Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Sabado at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Jabor. Si Mang Kanor naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralain sa Laguna.
  • Slide: 4
  • Akasya o Kalabasa?
  • “Magandang umaga po naman,Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”
  • “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro. Magandang umaga po sa kanila."
  • Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Kanor. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Jabor
  • Slide: 5
  • Akasya o Kalabasa?
  • "ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.Ngunit,ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
  • Nagtanong ang ama ni Jabor s puong guro. Ngunit, Dili di natubigan si Mang Kanor sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Jabor. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
  • Slide: 6
  • Akasya o Kalabasa?
  • “Aba, opo, Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
  • At… umuwi nang nag-iisa si Mang Kanor. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family