Noong lumang panahon ang mundo ay nalalang na may pitong buwan, pitong yaman na nagbibigayganda at linawag sa lahat ng nasa balat ng lupa at ibabaw ng sangkatubigan tuwing gabi. Lahat ng nilalang ay nag aabang at nabibighani sa kanila sa tuwing sila ay lalabas pag kagat ng dilim. Ang kagandahan ng mga buwan ay sinamba at pinapurihan ng lahat ng nilalang.
Palagi niyang niloloko ang mga kasamang tao sa Banwa na may Bakunawa upang gawing laro o biro.
Habang abala at walang pake sa ibang bagay ang lahat ng tao sa Banwa may isang bata na nag-iisa, at nakatitig sa mga buwan sa tabing-dagat, na nagngangalang Bulan.
Nang sumunod na gabi isang higanteng tila ba ahas at isa, may mahabang dila sing pula ng dugo, maybibig na sing laki ng lawa at mahabang katawan. Umahon mula sa kaibuturan ng karagatan ang Bakunawa.
Bakunawa: Kay gaganda talaga ng mga buwan! Pinaliliwanag nila ang langit na madilim. Ano kaya kung kainin ko ang isa? At dalhin ko ang liwanag nito sa ilalim ng dagat. Wala naman sigurong makakapansin.
Dahil sa kagustuhan ng Bakunawa na lumiwanag sa kaibutiran ng karagatan napagpasyahan niya na lamunin ang mga buwan
Huli na ng mapansin ng mga tao na nag iisa na lamang ang buwan
Datu Lawon: Tumigil kayo sa kakaiyak! Iisa na lamang ang ating buwan pero hindi ibig sabihin na ito na ang ating katapusan. Kung mamamatay man tayo, mamamatay tayong lumalaban!
Nalaman na rin nila na ang kahinaan ng Bakunawa ay ang mga bakal na nag-uumpugan na sobrang ingay. Kaya nag-plano na sila upang matapos na ang lahat at maging payapa na silang muli.
Bulan: Datu Lawon, totoo na po ang sinasabi ko. Nakita ko na po ang Bakunawa! :Tama si Datu Lawon!
Sa pagtutulungan ng bawat isa para sa kanilang bayan, at ang naging pag-uugali ni Bulan na pagiging tapat. Ang naging solusyon sa pagkatalo ng Bakunawa. Ang mga pakpak nito ay nagkapira-piraso, at nagtago nalang itong muli sa ilalim ng dagat.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!