Tubong Zamboanga City, si Hidilyn Diaz ay ipinanganak noong Pebrero 20, 1991 sa mag-asawang Eduardo at Emilita Diaz. Siya ay panglima sa anim na magkakapatid. Mahirap ang kanilang pamumuhay at kinailangan niyang magtinda ng gulay at isda noong nasa elementarya pa siya.
ANG GININTUANG BUHAT NI HIDILYN DIAZ
Sa murang edad nabuo ang pangarap ni Hidilyn Diaz sa tulong na rin ng kanyang pinsan na si Allen Diaz na nagturo sakaniya ng basics ng weightlifiting ngunit ang kaniyang magulang ay hindi pabor sa kanyang desisyon sapagkat sinasabi na siya ay babae at hindi bagay sa ganitong klase ng larangan.
ANG GININTUANG BUHAT NI HIDILYN DIAZ
Nagsimulang gumawa ng pangalan si Hidilyn nang una siyang sumabak sa weightlifting event ng 2006 Asian Games. Bagama’t hindi nakasungkit ng medalya, umabot naman siya sa 10th place sa 53-kg. weight class. Sa tulong naman ng kaniyang pagtitiyaga, naiuwi ni Hidilyn ang bronze medal sa 2007 Southeast Asian Games. Bago pa manalo sa 2016 Olympics, sinubukan na rin niyang makipagtunggali noong 2008 sa Beijing at noong 2012 sa London, pero nabigo siya rito.
ANG GININTUANG BUHAT NI HIDILYN DIAZ
Humugot siya ng lakas at determinasyon sa mga nabigo niyang laban upang mapaghandaan ang pinapangarap na gintong medalya. Siya ay nadiskurbe ng isang Vietnamese at Chinese na coach upang mas makondisyon ang kanyang sarili sa gaganaping laban at upang masiguro na makakamit niya ang gintong medalya at buong pusong maipagmalaki ang bansang sinilangan.
ANG GININTUANG BUHAT NI HIDILYN DIAZ
Gumawa ng kasaysayan ang atletang si Hidilyn Diaz matapos niyang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics para sa weightlifting.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!