Vern, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?
Hindi ko kasi naintindihan kanina sa klase yung pinagkaiba ng graft at corruption
Ang graft ay naglalarawan sa ilegal na paggamit ng salapi o pondo ng mga nanunungkulan sa pamahalaan para sa kanilang sarili. Samantala, corruption naman ang tawag sa kawalan ng katapatan sa pamahalaan at pag-abuso sa kapangyarihan para mapunuan ang mga pansariling interes.
Ibig sabihin kapag graft ay inaangkin nila ang pera na hindi naman sa kanila at ang corruption naman ay pag-abuso sa kanilang kapangyarihan?
Tama! Kapag graft ay pondo at kapag corruption ay posisyon at kapangyarihan.
Maraming salamat Zie, ngayon naiintindihan ko na silang dalawa.