Search
  • Search
  • My Storyboards

Kabanata 10

Copy this Storyboard
Kabanata 10
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Kabanata 10: Ang Bayan ng San DiegoMarami ang humahanga sa bayan ng San Diego dahil sa mayamang lupa, malawak na taniman, at mga ilog at lawa sa paligid. Maraming kabuhayan ang maaaring gawin dito. Wala talagang nagmamay-ari sa bayan ng San Diego ngunit isang araw, may mayamang matandang Espanyol na nagbayad para maangkin ang bayan. Ngunit nagpakamatay ito sa di malamang dahilan. Ilang buwan ang lumipas at mayroon namang isang lalaki na dumating sa bayan. Sabi nito, siya raw ang anak ng matandang nagpakamatay at nakabili ng San Diego. Ang ngalan daw nito ay Saturnino na nanirahan na rin sa bayan at doon na nagkapamilya. Ang binatang iyon ay si Don Rafael, ang ama ni Ibarra.
  • Kabanata 11: Ang MakapangyarihanSa bayan ng San Diego, ang mga mayayaman at nasa posisyon ay hindi maituturing na pinakamakapangyarihan. Patunay nito ang sinapit ng ama ni Ibarra na si Don Rafael na kahit mayroong sapat na yaman ay nagawa pa ring mapabagsak sa maling bintang. Kahit na mayroong paggalang sa mayayamang tao ang iba kabilang ang mga Indio, maituturing pa rin na mas tinitingala at mas may kapangyarihan ang mga prayle katulad nina Pade Salvi at ang alperes na pinuno ng mga guwardiya sibil. Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga mayayaman at makapangyarihan na mayroong kompetisyon sa pagitan nila na nagdudulot naman ng hidwaang minsan ay nauuwi sa personalan at gantihan.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family