Search
  • Search
  • My Storyboards

FIL T3 PT1

Copy this Storyboard
FIL T3 PT1
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Si Maria ay isang mag-aaral sa kolehiyo na nagbabalanse ng trabaho at pag-aaral habang inaalagaan ang kanyang pamilya. Naulila sa murang edad, nakatira siya sa kanyang lola kasama ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na lalaki.
  • Pagod na pagod na ako. Paano ko haharapin ang lahat ng aking mga problema? Gusto ko lang naman mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko.
  • Kahit na siya ay pagod, sinisigurado niyang mabuti ang kapakanan ng lahat, lalo na ang kanyang lola na sa kasalukuyan, ay nakikipaglaban sa isang sakit.
  • Kamusta si lola? Uminom ba siya ng gamot niya? At paano naman kayo? Kumain na ba kayo ng hapunan?
  • Opo, ate. Okay naman si Lola pero naubusan na siya ng gamot. Kailangan mo bumili, at kailangan pa niya ng isa pang check-up sa doktor.
  • May mga pagkakataong gustong sumuko ni Maria ngunit alam niyang kailangan niyang gawin ito para sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya. Mahirap para sa kanya ang pagharap sa stress.
  • Wala na akong tulog. Kailangan ko pang mag-aral at gumising ng maaga para sa trabaho bukas. Kailangan ko ring bumili ng mga gamit sa paaralan para sa mga bata. Kailan kaya ako makakapagpahinga?
  • Proud na proud ang lola ni Maria sa lahat ng ginagawa niya para sa pamilya. Ngunit, umaasa siya na magpahinga si Maria paminsan-minsan. Napansin niya kasi kung gaano ka-stress si Maria kamakailan.
  • Sana alam ni Maria na hindi masama magpahinga.
  • Lola?
  • Isang araw, pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, nagpasiya si Maria na sabihin sa kanyang lola ang madalas niyang nararamdaman.
  • Lola, hindi ko po na alam ang gagawin ko. Palagi akong nakakaramdam ng pagod, pero gusto kitang mapasaya. Gusto ko tumulong sa mga kapatid ko. Ayaw ko po makita kang nahihirapan.
  • Alam ni Lola na pahinga lang ang kailangan ni Maria. Alam niyang malalagpasan din niya ang kanyang mga problema. Kailangan lang niyang malaman na hindi kasalanan ang magpahinga.
  • Maria, masipag kang bata. Nakikita ko na nagsusumikap ka araw-araw. Pero, nakikita ko rin ang iyong pagod. Hindi kasalanan magpahinga, Maria. Huwag mo kalimutan ito. Kapag ang mga bagay ay sobra-sobra na para sa iyo, matuto ka magpahinga.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family