Kurt, mabuti naman na nakita kita. Nais ko lang malaman mo na bukas na gaganapin ang exam sa ikatlong markahan at kinakailangan mong mag-aral upang makakuha ka ng mataas na marka. Ipagpaliban mo muna ang iyong paglalaro at ituon mo ang iyong oras sa pagaaral.
Huwag kang mag-alala saakin sapagkat nakatitiyak akong mataas ang aking makukuhang marka. Nakatitiyak rin ako na hindi ako makakakuha ng mababang grado ngayong ikatlong markahan sapagkat nakakasiguro ako na ang mga tanong sa pagsusulit ay sisiw lamang para saakin at hindi kona kailangan pang aralin ang mga paska sa bawat subjects
Nabalitaan namin ng iyong ama sa iyong kamag-aral na bukas na ang iyong exam sa ikatlong markahan. Sa ngayon, kinakailangan mo munang magaral at itigil muna ang paglalaro. Anak, mahalagang makakuha ka ng mataas na marka dito sapagkat dito nakasalalay ang iyong magiging grado sa ikatlong markahan kung kayat magaral kang mabuti ngayong araw
Tama po kayo, bukas na ang aming exam sa ikatlong markahan at sinisigurado ko po sainyo na akoy magaaral pagkatapos ko pong maglaro at sisiguraduhin ko po na mataas ang makukuha kong marka. Huwag na po kayong magalala saakin sapagkat nakatitiyak ako na ang mga tanong sa pagsusulit ay sisiw at napakadali lang saakin kung kayat huwag kayong mangamba
Kayang-kaya ko naman sagutan ang mga mahabang pagsusulit sa bawat subjects bukas kayat itutuon ko ang aking oras sa paglalaro ng paborito kong laro saaking video games. Mas masarap sa pakiramdam ang paglalaro kaysa sa mag-aral ng mga limpak na limpak na paksa at aralin. Maglalaro na lamang ako buong araw saaking silid at hindi na muna ako magpapakita saaking magulang upang sabihin nila na akoy nagaaral sa paraang hindi paglabas ng kwarto
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!