Search
  • Search
  • My Storyboards

Tangere

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Tangere
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Sa nalalapit na pagtatapos ng buwan ng Oktubre, nagbigay ng anunsyo si Don Santiago de los Santos, o mas kilala bilang Kapitan Tiago, na magdaraos siya ng isang hapunan. Dahil sa kanyang reputasyon bilang mabait na tao at kilala sa buong Maynila, agad kumalat ang balita tungkol dito sa kalye Anloague. Ang anunsyo na ito ay nagdulot ng paghahanda at pagdagsa ng mga tao sa kanyang bahay para sa nasabing okasyon.
  • Sa lahat ng naroroon, ang pinakamasaya ay ang pangkat ng dalawang prayle, dalawang sibilyan, at isang sundalo.
  • Sa isang pagkakataon, nagkuwento si Padre Damaso tungkol sa kanyang mga karanasan bilang padre sa iba't-ibang mga lugar, kabilang na ang kanyang pagtatagal ng 20 taon sa San Diego. Isinalaysay niya ang kanyang pagkakakilala sa maraming tao doon at ang kanilang mga kwento. Subalit, nadarama niya ang pagsama ng loob matapos niyang tapusin ang kanyang paninilbihan bilang padre sa nasabing bayan.
  • Nang umalis ako, iilang matatanda at hermano tercero ang naghatid sa akin gayong 20 taon akong nanirahan doon.
  • Isang araw, tinanong ng isang dayuhan ang mga Pilipino, kasama na ang mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, nagsalita ng masama si Padre Damaso tungkol sa mga Indio, nilait niya ang kanilang pagkatao. Sa kabila nito, pinilit ni Padre Sibyla na baguhin ang takbo ng usapan.
  • Paris ng paniniwala ko sa Ebanghelyo sobrang mapagwalang-bahala ang mga Indio!
  • Baka naman ginagamit lamang natin iyon para mapagtakpan ang ganyan din nating ugali?
  • Itinanong ni Padre Sibyla kung bakit siya umalis bilang kura-paroko ng San Diego pagkatapos ng dalawampung taon. Sinabi ni Padre Damaso na hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpapataw ng parusa sa mga erehe. Binanggit naman ni Tenyente na tama lamang ang parusang ipinataw.
  • May relihiyon ba? Malaya ba ang mga pari? Napapahamak na ang bayan! Ibig kong sabihin kapag isang pari ang nagpahukay ng nakalibing na bangkay ng isang erehe, kahit hari ay walang karapatang makialam, lalo na ang magparusa.
  • Dumating pa ng maraming bisita. May isang Kastilang pilay na tila mabait ang mukha. Nakayakap siya sa bisig ng isang Pilipinang nag-ayos ng kanyang buhok, naka-makeup at nakadamit ng European style. Sila ang mag-asawang Doktor de Espadanya at Doktora Donya Victorina. Sumali sila sa grupo.
Over 30 Million Storyboards Created