At dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang malilit na bote na may lamang lupa. Isang hapon, nang nabalitang magpupunta rito ang mga lagalog na may mahahabang baril, pumunta ako sa gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa, saka inilagay sa loob ng isang bote.
Utos to ni gob...binili na ito ni gob! sabi ng mga Tagalog.;panimula ng isang nakakurbatang lalake sa entablado, through the efforts of our tourism department; they could live with the global trends and share the beauty of their traditions and ancestral essence. Nagpalakpakan ang lahat. Ano daw? di ko alam, pumalakpak na lamang tayo -iyon ay matapos kaming mapaalis sa aming lugar.
Kano, may kano, ayan na... naririnig ko ang aking mga kasamahan. You have a pair of wonderful eyes, so dark and pensive they could have belonged to the sockets of a philosopher. At ngumiti siya. Sumama ako sa kaniya sa Amerika. Isa siyang cultural psychologist sa Harvard.
Nanginginig ang aking mga laman habang nakatayo sa gitna ng mga tao. At bigla ang lahat ay naging blangko. Ang mga politiko, media, mga prominenteng tao, at mga kapwa kong Ata-Manobo sa aking harapan ay waring walang buhay ng mga oras na iyon. Tahimik. Nagtataka. Ano ang nangyayari? Ano ang kaniyang sinasabi? Ha? Ako lamang pala ang nakakabatid.
Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang dala-dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay Paalam.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!