Search
  • Search
  • My Storyboards

Alamat ng Bayabas

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Alamat ng Bayabas
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Slide: 3
  • nagugutom na ako nang sobra
  • Slide: 4
  • May isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian.
  • Maaari po bang makahingi kahit kaunting pagkain? pangtawid gutom lang po, wala pa po kasi akong kinakain
  • Lumayas ka rito! Nawawalan ako ng gana dahil sa iyong amoy!
  • Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.
  • Slide: 5
  • Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya ng kayamanan niya.
  • dahil sa iyong kasakiman ay bibigyan kita ng isang leksiyong hindi mo makakalimutan!
  • Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.
  • Slide: 6
  • Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang kumain. Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan na itong masira at hindi na puwedeng makain.
  • Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging isang halaman.Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring Barabas.
Over 30 Million Storyboards Created