Search

FILIPINO KOMIKS (MPT#2)

Copy this Storyboard
FILIPINO KOMIKS (MPT#2)

Storyboard Text

  • Papunta na dapat si Juan sa kanyang klase ngunit nakasalubong niya si Miguel na binubully si John.
  • Dahil sayo bumagsak ako sa ating pagsusulit, kung pinakopya mo ko hindi sana mangyayari ito sayo!
  • Pasensya na hindi na mauulit!
  • Hindi naman tama na sa kanya mo itinutuon ang galit mo sa pag-bagsak mo sa ating pagsusulit.
  • Ano naman ang alam mo at nakikialam ka sa problema ko? Umalis ka nga dito!
  • Dumaan ang ilang oras at hindi pa rin tumitigil sa pang-aapi si Miguel sa kaklase niyang si John.
  • Pagkalabas pa lamang ng eskwelahan ay hindi na ipinatagal ni Juan at kinompronta n'ya na ang kanyang kaklase na si Miguel.
  • Sana naman ay maisip mo ang nararamdam ni John tuwing inaapi mo siya, hindi mo alam ang pinag-dadaanan ng isang tao, at hindi lang naman ikaw ang may problema sa mundo. Hindi pa huli para ikaw ay magbago.
  • Nung pag-uwi niya ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Juan at dito na siya nagsimula ma-konsensya.
  • Tama nga ba ang ginagawa kong pang-aapi kay John? Grabe pala ang naiisip at nararamdaman ng isang tao sa tuwing siya ay na-kokonsensya. Siguro eto na ang mensahe na dapat ako'y magbago.
  • Buti naman at ganyan ang naiisip mo. Totoo nga ang sinasabi nila na lahat ng tao ay may pag-asang magbago! Masaya ako sa naging desisyon mo, Miguel!
  • KINABUKASAN...
  • Tara na at pumasok na tayo sa ating silid-aralan baka kasi mapagalitan pa tayo ng ating guro.
  • Salamat Juan, dahil sayo napagtanto ko na mali pala ang aking ginagawa at kaugalian. Pangako sayo hindi na ito mauulit at hihingi na ako ng pasensya kay John.
  • Tara na!
  • Pumasok na sila sa kanilang silid-aralan at ito na rin ang simula ng pagbabago.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family