Magandang umaga, Pilipinas! Ako po si Ms. O, at narito po ako ngayon sa Malacanang Palace kasama si Senator G. para sa isang panayam.
Magandang umaga sa inyong lahat!
Para sa kaalaman nating lahat, ngayong Ika-10 po ng Disyembre, ay ating ipinagdiriwang ang Human Rights Day! Napahalaga ng araw na ito para sa lahat ng mamamayan, dahil ito ang naging daan upang magkaroon ng freedom at equality para sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar. Sigurado ako na marami tayong kaalamang maibabahagi sa madla ngayong araw, kaya't magsimula na po tayo.
Slide: 2
Maraming salamat sa tanong na iyan, Ms. O. Alam mo, napakahalaga na masigurado na ating nabibigyang halaga ang mga karapatang pantao. Tulad ng sabi mo kanina, ito ang tumutulong upang magkaroon ng freedom at equality ang bawat mamamayan.
Senator G., bilang isang miyembro ng ating pamahalaan, paano niyo po nasasabi na mahalaga ang pagtaguyod sa mga karapatang pantao?
Ito ang nagbibigay seguridad, kapayapaan, at hustisya sa buhay ng ating mga kababayan. Sinisigurado nito na ang lahat ng tao ay may pagkakataon na mabuhay ng maayos at may dignidad.
Slide: 3
Napakaganda naman ng tanong na iyan. Siguro, para sa akin, ang pinakamadali at simpleng paraan upang itaguyod nito ay ang pagpapakalat ng kaalaman at impormasyon. Mas madaling maitataguyod ang karapatan ng lahat, kung lahat ay mayroong sapat na kaalaman patungkol sa karapatang pantao, at kung ano ang mga kilos na nakabubuti, at ano ang mga kilos na lumalabag sa mga ito.
Maraming salamat po sa napakagandang sagot! Ngayon, ang tanong naman po ng marami, paano po maitataguyod ng mga ordinaryong tao ang sariling karapatan, at ang karapatan ng iba sa araw-araw na buhay?
Isa pang mabuting paraan ay ang simpleng pagpapakita ng respeto, malasakit, at pagmamahal sa kapwa, dahil ito ang makapipigil sa atin na lumabag sa mga karapatan.
At ang panghuli, ay ang pagiging mulat at pagkilos laban sa mga paglabag sa karapatang pantao. Marahil ay marami na tayong napapansin na paglabag sa karapatan, ngunit hindi natin ito pinapansin dahil hindi natin ito problema.Mali po iyon. Dapat ay tulong tulong tayo bilang mga kapwa mamamayan na magtataguyod ng karapatan ng bawat isa. Kabilang rin ang ating gobyerno sa pagtutulungan na ito, dahil sila ang may kakayahan na mag-abot ng sapat na tulong pagdating sa ganitong mga usapin.