NAG-IISA NA LAMANG SI BASILIO KAYA LUMUWAS SIYA NG MAYNILA.
MAY SAKIT AT GULA-GULANIT ANG DAMIT, KUMATOK SIYA SA MGA BAHAY-BAHAY UPANG PUMASOK BILANG KATULONG. NGUNIT WALANG TUMATANGGAP SAKANYA.
HIRAP AT GUTOM, SIYA AY NAG-ISIP NA PASAGASA NA LAMANG SA KARUWAHE. MABUTI NA LAMANG NAKITA NIYA SI KAPITAN TIYAGO AT TIYA ISABEL. SINUNDAN NIYA ITO HANGGANG MAWALA SA KANIYANG PANINGIN.
TINANGGAP SIYA NI KAPITAN TIYAGO BILANG ISANG UTUSAN NA WALANG SUWELDO NGUNIT MAAARING MAG-ARAL SA LETRAN KUNG GUGUSTUHIN NIYA.
SA UNANG TAON NIYA SA LETRAN, NI HINDI SIYA PINAPANSIN NG KANYANG PROPESOR PATI NG KANIYANG MGA KAKLASE DAHIL SA KANIYANG GULA-GULANIT NA DAMIT. INIIYAK NIYA ITO SA PUNTOD NG KANIYANG INA SA TUWING UMUUWI SIYA SA SAN DIEGO KASAMA SI KAPITAN TIYAGO.
TINANGGAP NIYA NA SA 400 NA ESTUDYANTE, 40 LAMANG ANG MAPAPANSIN NG PROPESOR KAYA NAMAN KAHIT HINDI NIYA NAIINTINDIHAN, KINABISADO NIYA ANG MGA LEKSIYON.
SA IKALAWANG TAON, NANALO SIYA SA SABONG KAYA BINIGYAN SIYA NG MALAKING TIP NI KAPITAN TIAGO NA AGAD DIN NIYANG IPINANGBILI NG SAPATOS AT SUMBRERO. DAHIL SA BINIGAY NA DAMIT DIN NG AMO, MAS NAGMUKHA SIYANG DISENTE NGUNIT HINDI PARIN SIYA PINAPANSIN NG KANIYANG PROPESOR.
SA IKATLONG TAON, SA PAG-AAKALANG TANGA SI BASILIO, SINUBUKAN SIYANG IPAHIYA NG PROPESOR NIYANG DOMINIKANO NGUNIT LAHAT NG KANIYANG TANONG AY NASAGOT NI BASILIO.
TINAWAG SIYANG LORO NG KANIYANG PROPESOR. SINUBUKAN NIYA ULIT NA GAWING KATATAWANAN SI BASILIO NGUNIT NASAGOT MULI NG BINATA ANG KANIYANG MGA TANONG. NAINIS ANG LAHAT DAHIL HINDI SIYA LUMABAS NA TANGA.
SA IKAAPAT NA TAON, NAWALAN NG GANANG MAG-ARAL SI BASILIO. NGUNIT ISANG ARAW, NAPAAWAY ANG MGA KADETE SA ISA NIYANG PROPESOR AT NANGAKONG BIBIGYAN NG MATAAS NA GRADO ANG SINUMANG SASALI SA LABAN. NAMAYANI SI BASILIO SA LABANAN KAYA NAGING PABORITO SIYA NG KANIYANG PROPESOR.
DALA NA RIN NG KASIPAGAN, NATANGGAP NI BASILIO ANG PINAKAMATAAS NA GRADO NANG TAONG IYON, KASAMA NA ANG MGA MEDALYA.
Magmula noong magmonghe si Maria Clara, nagalit si Kapitan Tiyago sa mga prayle. Bunga nito, pinalipat niya si Basilio sa Ateneo Municipal.
GUSTO NI KAPITAN TIYAGO NA MAG-ABOGASIYA SI BASILIO NGUNIT MAS PINILI NG BINATA ANG MEDISINA. MARAMING NATUTUNAN SI BASILIO SA KANIYANG MGA PROPESOR. NAKAPAGTAPOS SIYA NG PAGKABATSILYER. HULING TAON NA NG PAG-AARAL NI BASILIO. PAGKATAPOS NIYA'Y PAKAKASAL NA SILA NI HULI.