Magandang araw sa inyong lahat! Ihanda ang inyong mga aklat sa Noli Me Tangere at ipagpatuloy ang pagbabasa nito. Magkakaroon tayo ng talakayan pagkatapos ng tatlumpung minuto kaya basahin nang mabuti ang bawat kabanata.
kahalagahan ng paggamit ng wikang filipino
Opo, inay!
Pagkatapos ng sampung minuto....
Ang hirap naman basahin nito!
IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
Ipapaalala ko lang sa inyo na tayo ay nasa asignaturang Filipino, kaya ang wikang Filipino ang ating gagamitin bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. Bakit mas pinipili niyong gamitin at tangkilikin ang mga wikang banyaga kaysa sa sariling atin?
Oo nga....
Hindi naman po sa ganoon, Ma'am. Hindi lang po talaga namin makita ang kahalagahan ng wikang Filipino, eh, mas madali namang intindihin kapag Ingles ang binabasa namin.
Naku, madami ka pang dapat matutunan hinggil sa ating wika. Kung sakaling hindi mo pa alam, ang wika ay isang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan. Naiiba tayo sa ibang mga bansa dahil mayroon tayong maipagmamalaking sarili nating wika, at ang wikang ito ang nagbubuklod sa mga miyembro ng lipunan na nagiging daan tungo sa kaunlaran ng buong bansa kaya dapat lamang natin itong matutunan at bigyang-halaga. Naiintindihan niyo ba?
IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
Opo, Ma'am.
Simula ngayon, sisikapin kong pag-aralan nang mabuti ang ating wika. Maraming salamat po!