Ang ngalan niya'y Donya Victorina de Espadana. Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha. Siya ang asawa ni Don Tiburcio de Espadana at ang kilalang nakipagsagutan kay Donya Consolacion.
Tulad ng dati ay nakadungaw si Donya Consolacion at nanunukat ang tingin. Walang kakurap-kurap naman si Donya Victorina kasama ang kanyang asawa.
Hoy babae! Bakit ganyan ka kung makatingin? Naiinggit ka ba?
Nagpapatawa ka ba? Ako? Maiinggit sa'yo?
Maaaring hindi nga nakapapasok sa bahay ninyo ang mga tinyente pero puwede naman ang mga pilantod na tulad ng asawa mo!
Aba! Kilalanin mo muna kung sino ang kausap mo! Baka akala mo kung sino lang akong babaeng kaladkarin ng mga sundalo.Sa bahay namin sa Maynila, pag tinyente lang ay hindi nakapapasok. Pinaghihintay namin sa pinto!
Pakinggan mo ako! Akong mataas at marangal na tao ay nakikipagusap sayo. Hoy labandera, gusto mo bang labhan ang damit ko? Babayaran kita!
Ah! At sa palagay mo kaya ay hindi ko alam kung anong klaseng babae ka pati mga kasama mo? Bistado ka na! Ipinagtapat na sa akin ng asawa ko.
Senora, iisa lamang ang lalaki sa buhay ko. Pero ikaw, ilan? Marami kasing dahil sa gutom ay kakainin ang mga tira-tira.
Ano?! Ang talas ng dila mo ah... bawiin mo ang sinabi mo!