Mayroong mag-inang nakatira sa isang kubo. Simple man ang kanilang pamumuhay ay nais pa rin ni Aling Rosa na magkaroon nang maayos na pag-uugali ang kaniyang anak na si Pina. Ngunit tila lahat ng negatibong pag-uugali ay tinataglay na ni Pina.
Ano ba iyan! Napakatamad mo!
Inay,nasaan po ang sandok?
Una, hindi ito maaasahan sa mga gawaing bahay. Lubhang tamad ito. Kaya nang minsang magkasakit ang kaniyang nanay na si Aling Rosa ay kinailangan niyang magluto.Ngunit imbes na hanapin ang sandok, panay tanong ito sa kaniyang ina. Ang mga bagay na nasa kaniyang harapan na lamang ay hindi pa niya makita dahil sa katamarang taglay nito.
Dahil sa inis ng ina sa pag-uugaling ito ng anak, isang araw ay nasigawan niya ito at napagalitan. Sinabi ng ina na sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita nito lahat ng hinahanap niya at hindi na siya tanong nang tanong pa.
Magkaroon ka sana ng maraming mata!
Umalis sa kanilang bahay si Pina na masama ang loob dahil sa sinabi ng ina. Simula nang umalis si Pina ay hindi na ito nakita pa ni Aling Rosa.
Nasaan na kaya ang aking anak?..
^^^
🍍
Anak? P-Pina!
Ngunit nakita na lamang niya ang isang halamang tumubo sa kanilang bakuran. Marami itong mata kaya naman naalala niya ang kaniyang anak na si Pina dahil sa sinabi niya. Batid niyang nagkatotoo ang kaniyang mga tinuran.