Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan. Dapat tayong magtulungan.
Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak.
Ang Kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan.
Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan.
Ang Kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.
Paano ako makapaghihiganti? Ako’y dudurugin lamang nila.
Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti? Makatulong ka sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian.
Tutulungan kita.
Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi. Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay.
At magkaanak ng mababait na alipin ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!