Ang damdaming ito ay kinasangkapan ng mga Hapones upang mahikayat ang mga Pilipinong makiisa sa kanilang layunin. Noong Hulyo 4, 1943 nagdaos ng kumbensyon ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) upang piliin ang 20 kasapi na bubuo sa komisyon sa paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas. Ang tungkulin ng komisyon ay bumuo ng saligang batas na magiging batayan ng Republika ng Pilipinas. Hinirang na pinuno ng komisyon si Jose P. Laurel.
Ako si Alma, biktima ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay isang papet na estadong itinatag noong ika-14 ng Oktubre, taong 1943, pagkatapos ng pagsakop ng Hapon sa Pilipinas.
Noong ika-20 ng Setyembre, 1943 pinili mula sa mga kasapi ng KALIBAPI ang 108 kinatawan sa Pambansang Kapulungan. Hinirang ng kapulungan bilang Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas si Jose P. Laurel. Noong ika 14 ng Oktubre 1943 ay pinasiyahan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Sa ilalim ni Pangulong Laurel, nalikha ang mga bagong kawanihan, tanggapan at komisyon at binago ang sistema ng hukuman.