Noong unang panahon, may isang matandang lalaki. Siya ay si Lakan Taal. Siya ay matalino at maganda ang lugar niya. Maganda din ang kanilang mga ani kung kaya't nakakapamunga sila ng mga kape, abukado at iba pa.
Isang araw, kinulong ang matanda na si Lakan Taal ng kanyang mga tapat na taga-sunod. Sinabi ng matanda ang mga ito na pinagbabawalan na niya ang sinuman magpunta sa tuktok ng bundok na kanyang itinuro.
Ang saya ng mga bayan sa pamalakad ni Lakan Taal ng bigla nawala ang matanda. Hinanap ng lahat ang kanilang pinuno pero hindi nila ito makita. Walang nakita ang bayan kung saan na ang matanda.
Isang araw, may nagmaungkahi na akyatin nila ang bundok na pinagbawal ng matanda na puntahan. Baka naman dun daw nagtatago ang matanda. Nag-isip sila anong meron sa bundok.
Nang umakyat sila sa bundok, meron sila nakita malaking butas. Sumilip sila sa loob at nakita na puno ito ng mga bato, mga perlas, diamante at iba pa. Nagulat sila sa mga nakita nila at nag-unahan sila makakuha ng mga yaman. Dumadagundong ang boses ni Lakan Taal. Dahil sa galit ni Lakan Taal, na karoon ng malakas na kidlat.
Ang bundok ay pinalibutan ng tubig at maging ang butas sa tuktok ng bundok ay nagkaroon ng lawa upang walang sinuman ang makakuha ng mga kayamanan. Simula noon ay tinawag ang bundok na Taal mula sa matandang pinuno na si Lakan Taal.