Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ay namumuhay sa baybayin ng Dagat-Bisaya sa Dumangas, lloIlo sa Isla ng Panay.
Ang pitong dalaga ay kilala at hinahangaan sa malalayong lugar. Ang ama ay nagmamahal sa kanyang mga anak, ngunit natatakot na ang magiging asawa ng mga ito ay magdudulot ng paglayo sa kanya.
Sana, kung sakaling makahanap ng mapapangasawa ng aking mga anak, ay maging tagarito lang sa aming isla upang hindi maglayo sa akin.
Isang araw, dumating sa kanilang bayan ang isang pangkat ng mga binatang mangangalakal. Sa pagbibigay ng mamahaling regalo ng mga binata, mabilis silang nagkaunawaan at inaya ang mga dalaga na sumama sa kanilang bayan.
Nakakabighani ang kagandahan ng mga dalaga.
Subalit hindi naging madali ang paghingi ng kanilang pahintulot sa ama.
Hindi ako papayag. Sapagkat hindi n'yo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan.
Payagan niyo po kami itay, kahit ngayon lang po sana.
Isang araw, habang nangingisda ang ama, nagpasya ang pitong anak na dalaga na hindi sumunod sa payo ng ama. Sumama sila sa mga binatang mangangalakal, sumakay sa tatlong bangka, at naglakbay palayo sa kanilang tahanan.
Ang ama ay nagsumikap habulin ang kanyang mga anak na sakay ng mga dayuhang bangka, ngunit hindi siya nakarating sa kanila.
Sa kanyang paglalakbay, iniisip ng matanda na maaaring magsilong sa isla ng mga estranghero ang mga dalaga, dahil sa masamang lagay ng panahon. Subalit, ang kanyang pagtataka'y lumubha nang makita ang maliliit na isla sa pagitan ng Dumangas at Guimaras. Sa pangungulila, dumaan siya sa mga isla at nadismaya nang matuklasang nalunod ang pito niyang anak dahil sa malakas na bagyo kahapon.
Pito! Pito rin ang aking mga anak!
Ang mga islang tinatawag na "Isla de los Siete Pecados" ay nagpapahayag ng alaala sa pitong suwail na anak na nagkasala sa kanilang ama.