Isang araw, nagpaliwanag si Sir Gab tungkol sa susnod na Inaasahang Pagganap.
Sumulat kayo ng isang open letter na maaring ipadala sa kawani ng gobyerno. Ihayag ninyo kung paano ninyo maipapakita ang pagmamahal ninyo sa ating bansa at wika.
Ano kaya ang puwede kong isulat na liham sa aking open letter?
Nang hapon na iyon, sinabi ni Ino sa kanyang nanay ang tungkol sa kanilang PT para sa Filipino at Araling Panlipunan.
Mama, kailangan po namin gumawa ng isang open letter para sa Filipino at AP tungkol sa paano namin maipapakita ang aming pagpapahalaga at pagmamahal sa bayan.
Ganon ba anak? Siguro maari kang humingi ng mga ideya sa iyong Lolo Joven. Marami siyang maikwekwento sa iyo tungkol sa kanyang kabataan.
Kinabukasan, nagpunta si Marcelino sa bahay ng kanyang Lolo Joven. Ipinaliwanag niya kung tungkol saan ang kanilang aralin sa AP.
2. Alam mo Ino, noong panahon namen, simple lang ang kaligayahan namen. Naglalaro lang kami sa bakuran, umaakyat sa puno. Hindi kame masyado nag iinggles. Parati kami sumusunod sa aming mga magulang. Nag-aaral kami ng mabuti. Bilang isang bata, iyon ang maaari namin maitulong sa aming magulang at bilang isang mamamayan ng Pilipinas. Hindi kame mayaman kaya't pinapahalagahan namin kung ano ang meron kami.
1. Lolo, puwede mo ba akong bigyan ng mga ideya kung paano ipakita ang pagmamahal sa ating bansa? Noong kabataan ninyo po, ano po ang ginawa ninyo?
3. Maraming salamat po Lolo sa mga kwento ninyo.
Nagtungo si Ino sa kanyang silid at nag-isip kung kanino siya susulat ng open letter. Napagdesisyonan niya na sumulat kay Mayor Vico Sotto ng Pasig.
Kagalanggalang na Mayor Vico,Magandang araw po.Ako po ay isang 11 taong gulang na mag-aaral sa grade 6. Maraming salamat po sa mga magagandang proyekto ninyo dito sa atin sa Pasig City. Tunay po talaga na mahal ninyo ang ating lungsod at ating bansa. Kahit po ako ay bata pa nais ko din pong ibahagi sa inyo ang aking paraan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating bansa. Ang aking pamilya po ay di mayaman, pero nagpapasalamat po ako sa magulang ko sa pagkakataong makapag-aral. Sinisikap ko pong mag-aral ng mabuti para magkaroon ng magandang kinabukasan. Pangarap ko po na darating ang araw na mas maibahagi ko ang aking kaalaman at lalong iparamdam sa lahat ang aking pagpapahalaga sa bayan.
Hindi man po namin nabibili ang mga mamahaling bagay at lahat ng gustohin namin pero nagpapasalamat naman po kami kung ano ang mayroon kami. Sinisikap po ng aking pamilya na magkaroon kami ng magandang buhay. Sa panahon ngayon sanay po kaming mga bata sa salitang Ingles pati po ako. Pilit ko pong sinusubukan at nagsasanay na mas matutuhan pa ang Tagalog lalo na tuwing kausap ko ang aking pamilya. Sana po sa mga simpleng bagay na ito ay naibahagi ko sa inyo ang aking pagmamahal sa ating bayan. Lubos na gumagalang,Red Ino
Nag-isip naman si Ino at ang kanyang ama kung paano nila maipapadala ang liham kay Mayor Vico. Naalala ng kanya ama na may kaibigan silang kagawad ng barangay at kaibigan niya si Mayor Vico, kaya pinakisuyo nila sa kagawad na ipadala ang liham kay Mayor Vico.
Natanggap ni Mayor Vico ang liham ni Ino.
Nakakatuwa naman ang liham ng batang ito. Sana ay tularan din siya ng iba pang mga kabataan.
Pagkalipas ng ilang araw, may natanggap na di-inaasahang mensahe si Ino sa telepono niya. Nakarating kay Mayor Vico ang kanyang liham at nagpadala naman ito ng video massage kay Ino ng pasasalamat.
Ino, may nataggap kang mensahe galing kay Mayor Vico.
Talaga po? Ang galing naman. Hindi ako makapaniwala.
Wow Kuya!!! Nakakatuwa naman po si Mayor Vico.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!