Hindi ko malaman kung ano ang maikkwento ko na nakakaaliw at nakakamangha mula sa mga kawili-wiling sandali ng aking buhay.
Kaya ito ako ngayon, nagiisa, at naglalakbay sa gitna ng aking isip--nakuha ko ba ang atensyon mo? Tara, lakbayin natin ang aking naiisip, sa aking buhay.
Kaya sabi ko ngayon, 'ah, ik-kwento ko nalang 'to ngayon. Habang ako'y nagttype sa laptop, nag-iisip ng pwede kong masabi sa hindi kaaliw-aliw kong buhay.
Eh, sa totoo lang, wala akong mapili nung binalikan ko ang masasaya kong mga memorya. Naisip ko kasi, hindi naman kaaliw-aliw 'yon.
Pero, alam niyo ba, napagisip-isip ko bigla kung gaano kataas ang tingin ko sa aking sarili. Mala-Nelson Mandela ba ako sa paggawa n aking ang mabuti? Mala-Albert Einstein ba ang aking angking talino? At naguluhan ka siguro, 'no?
Ako din, eh. Isa ito sa mga araw na gusto ko maging malaya, sa aking mga salita man o simpleng takdang aralin. Alam niyo 'yon?
'Yung mababahagi mo ang totong ikaw.
'Yon ang aking nais para sa aking buhay na sana'y kaaliw-aliw. Walang iniintindi, malaya lang, ngunit mabuti, may aral. 'Yung mga kilos ko, hindi pinagiisipan ngunit bukal sa aking puso, at lalo na, ako'y nasiyahan.
Sana, nang matapos mong basahin ang munting komik strip na ito, lakbayin mo din ang iyong naiisip! Gawin mong kaaliw-aliw ang mga munting sandali sa iyong buhay. Rebolusyonaryo ang pagiging ikaw.