ABM 11 - Integrity
Miyembro:
Jenny Mae Demonteverde
Julia Domasig
Nandriene Fara-on
Francine Mae Givero
Zamantha Janna Macandog
Storyboard Text
AAAAHHHH
Noong unang panahon, may isang tribo na naninirahan sa isang liblib na lugar. Namumuhay sila nang tahimik at payapa bagkus pagsenyas lamang ang tanging paraan nila ng komunikasyon.
Isang araw, mayroong grupo ng tao ang dumayo na nagmula sa malayong tribo. Sila ay naalarma at hinamon ito ng labanan upang protektahan ang kanilang angkan.
AAAHHH
OOOHHH
EEEHHH
Habang nag-aaway ang dalawang panig, biglang napasigaw ang isang miyembro ng dayong pangkat. Natamaan ito kung kaya't gumagawa ito ng tunog dahil sa sakit na nararamdaman.
Nabigla ang mga taong naninirahan sa liblib na lugar nang dahil sa di-pangkaraniwan na pangyayari. Napansin ito ng lider ng dayong tribo at napagtanto na walang kaalam-alam ang tribong kanilang dinayo.
Itinigil niya ang pakikipaglaban at lumapit sa pinuno ng kabilang pangkat. Sinubukan niyang makipag-usap gamit ang mga tunog na kanilang ginagamit subalit namangha lamang ito. Napagdesisyunan niya na turuan at ipaalam sa mga taong ito ang tunog pangkomunika.
Natuto ang mga taong naninirahan sa liblib na lugar at nagsimula na rin silang maglakbay upang ipalaganap sa iba't ibang tribo na hindi pa nakakaalam nito. Nang dahil dito, nagsimula ang pagkabuo ng wika.