Nagsimula na ang pangungumpisal ng dalaga. Sa obserbasyon ng kanyang Tiya ay tila halata kay Padre Salvi na hindi ito nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig sa dalaga na para bang inaalam ang nasa isip nito.Nang matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan, at kagat-labi.
Nagsimula na ang palabas sa entablado, ang pansin ng lahat ay nasa harapan maliban kay Padre Salvi na ang atensyon ay napako kay Maria Clara
Mukhang magkakaroon ng gulo...
Tapos na ang unang palabas nang dumating si Ibarra. Ang kanyang pagdating ay nagbunga ng bulong-bulungan subalit hindi niya ito pinansin.
Naku! ...
Hindi nagtagal ay nilapitan ni Padre Salvi si Don Filipo na tagapamahala ng palabas.
Ikinalulungkot ko po at hindi ko iyan magagawa. Malaki ang ibinahagi ni Ginoong Ibarra rito kaya siya ay may karapatan na lumagi rito sapagkat ay hindi rin siya nanggugulo.
Makakasama ang pagdating ni Ibarra, kaya bago pa magkagulo ay paalisin na ninyo siya dito.
Kung gayon ay kami na lamang ang aalis..
Lumapit si Ibarra sa mga dalaga at sinabing mayroon siyang nakalimutan ngunit babalik din kaagad.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!