Search

Unknown Story

Copy this Storyboard
Unknown Story

Storyboard Text

  • Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taongnasa bakuran ng munisipyo,ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitangtinaga at pinatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ngbahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao,nagsiksikan,nagtutulakan,bawat isa’ynaghahangad makalapit sa istaked.
  • Mag-aalas-onse na nang araw ding iyon nang dumating ang Alkalde mayor kasama anghepe ng mga pulis . galing sila sa bahay ng Kabesa. Abut- abo tang busina ngdiyip na kinasasakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo’y di panag-aalinsangang tao. Itinaas ng may-aakdang alkalde ang dalawang kamay upangpayapain ang pagkakaingay, nanulak naman ang malaking hepe.
  • Nagpatanto ni Tata Selo na ang kanyang buhay ay walang silbi, lahat ng kanayang hinagpis atgalit ay madaling napalitan ng lungkot at pagkadismaya sa kanayang sinabi sahulihan na “ lahat ay kinuha sa kanya” ay repetasyon ng patong patong naproblema sa kanyang buhay, una’y hindi na niya pagmamay-ari ang nasabing lupaindahil isinanla niya atinembargo , pangalawa ay ang pagpaslang niya kay kabesatano na nakuha ang kanayng kalayaan dahil siya ay gu,awa ng matinding krimen,at huli ang kanyang anak na si Saling na hindi sumunod sa kanayang payo atdiyan nawalan siya ng taong nagmamahal sa kanya. “Totoo ba, Tata Selo?”“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
  • Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. “Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo. Nakayuko at di pa natitinag sa upuan. “Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo. “Tinungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe. “Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…” Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. “Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
  • “Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”“Saan mo tinaga ang Kabesa?”“Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po’y lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ Tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod.”
  • Inutusan ni Tata Selo ang batang magbubukid nabumusita sa kanya sa kulungan. Sinabihan nya ito na pumunta sa bahay ng alkaldedahil naroroon ang anak niyang dalaga sa si Saling. Sinabi niya sa bata nasunduin mula sa tahanan ng alkalde, yayaing umuwi si Saling at hayaan na lamangsiya kung saan man siya ilalagak
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family