Unang hakbang upang makamit ang tagumpay ay mag pasya kung ano ang iyong gusto. Kaylangang pagpasyahan at isipin ng mabuti ang iyong mga gusto upang maka gawa ng mga paraan upang makamit ang mga ito. Gayunpaman, dapat ito ay makatotohanan sapagkat ang di makakatohanang kagustuhan ay pag bibigay hirap lamang upang makamit ang tagumpay.
To do List
Pangalawa, ilista o isulat ang mga layunin sa papel ng malinaw at detalyado. Ang isang layunin na hindi nakasulat ay hindi isang layunin kundi isang hiling lamang.
DO FIRST
DO LATER
Ikatlo, mag takda ng deadline sa iyong layunin. Ang pag kakaroon ng isang deadline ay isa ding hakbang upang makamit ang tagumpay sapagkat ito ay nag-uudyok sa iyo na gawin ang mga bagay na kinakailangan upang matupad ang iyong layunin.
APPROVED
Ikaapat, gumawa ng isang listahan ng lahat ng bagay na iyong naisip na maari mong gawin sa iyong layuin at mag tagumpay dito. Kapag inilista mo ang iyong mga gagawin sa iyong magiging layunin ay magagawa mo ito ng handa at maayos at kapag maayos ang resulta ng iyong mga ginawa, dito mo na makakamit ang tagumpay.
Ikalima, I-organize ang ginawang listahan. Sa mga na ilistang gawain ay markahan kung alin ang unang gagawin, isipin kung alin ang mas dapat gawin at hindi.
Ikaanim at huling hakbang upang makamit ang tagumpay ay isagawa ang mga naisip, napagplanuhan at inilistang gagawin sa isang layunin. Atin laging tatandaan na hindi natin makakamit ang tagumpay kapag hindi natin ito binigyan ng aksiyon at tandaan na huwag tayo puro plano o salita dapat may pag gawa.