Search
  • Search
  • My Storyboards

i dunno

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
i dunno
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Hala! Lunes na bukas? Simula na ng hell week. Ang dami nanamang gagawin. Kailangan ko nang malista ang mga aktibidad at lagyan ito ng dedlayn.
  • Sa susunod na araw,...
  • Sige, Class! Maaari niyong kumpletuhin ito sa inyong bahay at ibigay sa akin sa susunod na araw. May mga katanungan pa ba kayo?
  • Hala! Ang plano ko pa naman mamaya ay tatapusin ko na ang isang aktibidad at pagkatapos ay mag-aaral para sa pagsusulit sa matematika na mangyayari bukas. Paano na to? Ayoko pa man din mahuli sa mga pagsusumite
  • Tapos na ang klase! Maari na kayong umuwi.
  • Mabilis siyang bumalik sa kanyang bahay upang ihanda ang sarili bago niya simulan ang kanyang mga gawain sa paaralan.
  • Hay salamat! Natapos at nagawa ko nang maayos ang aking gawain. Ngayon, kailangan kong mag-aral pa para sa isang pagsusulit bukas at ayusin ang aking mga plano para sa mga susunod na araw.
  • Bukas, kailangan kong tapusin ang pagsulat ng isang sanaysay sa Ingles, gumawa ng isang presentasyon para sa Agham, at mag-aral para sa pagsusulit sa Filipino. Sa Miyerkules, ang gagawin ko ay…
  • ....................................
  • Habang patuloy na nag-iisip at nagsusulat ng listahan ng mga dapat gawin, kinausap siya ng kanyang ina makalipas ang ilang oras.
  • Nak, matulog ka na! Anong oras na? Kailangan mo bang gumising ng maaga bukas?
  • ....................................
  • Kinabukasan.
  • Opo, Nanay! Tatapusin ko na ang ginagawa ko at pagkatapos ay matutulog na ako.
  • Kailangan ko po palang gumising ng maaga bukas ng 6am para makapag-aral ako bago ang aming pagsusulit.
  • ....................................
  • Makalipas ang ilang sandali.
  • Yay! Salamat! Natapos din ako.
  • MARCH
  • Mayroon pa kong anim na oras upang matulog bago ako bumangon at simulan ang aking araw.
  • Bukas, kailangan kong tapusin ang pagsulat ng isang sanaysay sa Ingles, gumawa ng isang ...
  • Hala! Anong oras na? Kailangan kong pumasok sa paaralan ngayong umaga. Bakit walang gumising sa akin?
  • Ano? Hindi mo sinabi sa akin. Akala ko ang pasok mo ay mamayang hapon pa.
  • Hindi! Sinabi ko sa iyo kagabi na kailangan kong gumising ng maaga ngayon dahil may pagsusulit kami.
  • Mabilis siyang nagbihis, kumain at naglinis ng ngipin bago dumiretso sa paaralan.
  • Habang papunta siya sa paaralan, nirepaso niya ang mga bagay na kailangan niyang malaman para sa darating na pagsusulit.
  • REVIEWER
  • Kahit na mabilis siyang tumakbo para makarating sa klase, huli pa rin siyang dumating para kumuha ng pagsusulit.
  • Babawi na lang ako sa mahabang pagsusulit at huling pagsusulit para sa semestreng ito.
  • Ang susunod na klase.
  • Mga kaklase, ang sabi ng ating guro ay may mahalaga siyang bagay na kailangan niyang asikasuhin, kaya walang klase ngayon. Tumuon na lang daw muna tayo sa pag-aaral ng araling lima para sa susunod na pagpupulong.
  • Hooray! Wala nang klase! Ngayon ay maaari na akong magsimulang gumawa ng iba pang mga aktibidad na kailangan ipasa sa susunod na mga araw.
  • Dumiretso siya sa kanyang bahay pagkatapos ng paaralan at agad siyang nagsimulang gumawa ng kanyang aktibidad.
  • Wow, ginawa ko talaga ang aking essay, sa loob lamang ng tatlumpung minuto! Ngayon ay magagawa ko na agad ang aking presentasyon.
  • Opo. Nasimulan ko na pala ang disenyo ng slideshow. Maari niyo ring baguhin at dagdagan ng impormasyon ito.
  • Pre, nalagay niyo na ba yung mga kailangan na impormasyon na ilalagay sa slideshow?
  • Wow! Maraming salamat!
  • Yay! Mukhang maswerte ako sa ngayon. Lumilitaw na maaari akong magsimula ng ibang gawain bago ako tumuon sa pag-aaral para sa pagsusulit namin kinabukasan.
  • Makalipas ang ilang oras.
  • Yay! Tapos ko na rin ang slideshow.
  • Sige po. Maraming salamat!
  • Okay po. Salamat!
  • Kamusta! Natapos ko na ang ating slideshow. Magkakaroon tayo ng pag-eensayo para sa ating presentasyon bukas pagkatapos ng huling klase.
  • Okay! Ang susunod kong gagawin ay mag-aral ng PE para sa pagsusulit bukas.
  • Habang nag-aaral siya...
  • Argh! Bigla akong inantok. Bukas na lang ulit ako mag-aaral. Siguro, aagahan ko na lang gumising para makapag balik-aral ako sa aralin bago ang pagsusulit.
  • Nang sinubukan niyang bumangon mula sa kanyang upuan, napansin niyang hindi niya ito magawa. Parang may pumipigil sa kanya sa paggalaw.
  • Sandali lang. Bakit ayaw? Bakit hindi ako makaalis?
  • Biglang tumunog ang alarm niya. Ngunit, nang tingnan niya ang kanyang telepono, patay naman ito.
  • Pagkatapos ay tinawag siya ng kanyang Ina. Habang papalapit siya sa pinto para masiguradong tinatawag siya, bigla siyang nakaramdam ng paghawak sa braso niya.
  • Nagising siya at nakita niyang hinahaplos siya ng kanyang Ina at sinabi nito...
  • Uy, Beh! Gising na! Akala ko ba may pagsusulit ka ngayong araw? Hindi ka ba mag-aaral muna?
  • MARCH
  • Tumingin siya sa orasan at kalendaryo, at napagtanto...
  • Ha?! Panaginip lang ang lahat ng iyon?
  • Ang wakas.
  • Image Attributions:1769866 (https://pixabay.com/illustrations/check-check-list-hook-little-bird-1769866/) - kropekk_pl - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed1293114 (https://pixabay.com/vectors/button-lamp-light-switch-switch-1293114/) - OpenClipart-Vectors - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed5284831 (https://pixabay.com/illustrations/sleep-sleeping-dream-zzz-i-wasn-t-5284831/) - Hazyel - License: Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed

Image Attributions

  • 1293114 - OpenClipart-Vectors - (License Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed )
  • 1769866 - kropekk_pl - (License Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed )
  • 5284831 - Hazyel - (License Free for Most Commercial Use / No Attribution Required / See https://pixabay.com/service/license/ for what is not allowed )
Over 30 Million Storyboards Created