Pagkatapos ay naghalukipkip na walang imik. Ngunit walang ano-ano ay lumingon at itinuro ang pangunahing pinto ng simbahan. Marahas na umiimbay ang mga kamay na ang intindi naman ng mga sakristan ay ipinasasara ang mga pinto, at ito ang kanilang ginawa.
Kayong mga makasalanan, kayong mga bihag ng mga Morong pirata ng espiritu na naglalayag sa dagat ng walang hanggang buhay at lulan ng makapangyarihang barko ng laman at daigdig…at kayong nakakadenahan ng takaw sa kamunduhan at mga tagasagwan ni Satanas, harapin ninyo nang buong pagsisisi ang magliligtas sa inyong kaluluwa sa pang-aalipin ng demonyo…. Isang Gideon, isang David, isang Rolando ng Kristiyanismo, mas matapang kaysa lahat ng pinagsama-samang guwardiya sibil sa kasalukuyan at sa hinaharap.”
“Maningning at maaya ang altar, at maluwang ang mga pintuan ng simbahang ito; ngunit nasa pagitan nito ang hanging maghahatid ng banal at dakilang mensahe na sisilang mula sa aking mga labi. Makinig kayo, ang Panginoon ay hindi maghahasik sa mabatong lupa para kainin lamang ng mga ibon ng impiyerno. Sa halip ay susupling kayo at lulusog na tulad ng banal na binhi sa bukid ng ating Kabanal-banalan at Mapagkandiling ama na si San Francisco.
Nanawagan si Padre Damaso na huwag tularan ang mga taong tinagurian niyang mga barbarong iyon . . . at sa halip ay layuan at kondenahin sapagkat mga ekskumulgado.”