Mathilde...Mathilde..narito na ako!! Teka, mukhang natagalan ata ako kaya naman ay nakatulog na ang aking kaibigang si Mathilde. Hindi bale, aantayin ko na lamang siyang magising.
Mabuti naman at gising ka na. Napansin kong napahaba ata yung tulog mo ah.
Pasensya ka na, grabe kasi yung panaginip ko eh. Ito na ba yung mga kuwintas mo?
Oo, Aba mayroon pa! Mamili ka, hindi ko alam kung ano ang ibig mo.
Sandali! Ganitong ganito ang nangyari sa aking panaginip. Upang makasiguro na ako'y tama, maaari ko bang makita ang nasa kahon?
Oo naman, maaari mong gawin ang iyong nais.
Ito nga ang kaparehong kuwintas sa aking panaginip. Alam kong hindi maganda ang mga susunod na mangyayari dahil sa kuwintas na ito.
O siya sige, mag-iingat ka ah.
Maraming salamat Madame Forestier, ngunit hindi ko na kailangang manghiram. Napagtanto kong ang pagiging hindi ko kuntento ang magdadala sa akin sa kapahamakan.
Patawarin mo ako, naging makasarili ako at hindi marunong makuntento sa kung anong meron tayo. Pinagsisisihan ko na ang lahat . Simula ngayon lahat ng aking gagawin ay iisipin ko munang mabuti kung ano ang maaaring kahinatnan. Hindi ko kailangan ng mamahaling gamit upang dumalo sa kasiyahan, ang kailangan ko lamang ay magpakatotoo
Huwag ka nang umiyak. Masaya ako't nais mong itama ang iyong sarili. Tayo na't maghanda para sa kasiyahan.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!