Danel, kung ikaw ang pipili ng magiging presidente ng bansa natin sino at bakit? Kay Isko ka ba, o BBM? Kay Robredo o baka naman napupusuan mo si Pacman?
Pwede bang isali mo sa pagpipilian si Pang, Ramon Magsaysay? Subok na ang galing ng pangulong ito, Kung pwede nga lang. Sayang wala na siya sa makabagong panahon.
Pang. Magsaysay?Sino ba siya at anong ambag ang ginawa niya para siya'y sabihin mong mahusay na Pangulo?
Si Pang. Magsaysay ay tinawag na "Idolo ng Masa" dahil sa kanyang malapit na puso para sa karaniwang tao. Itinatag niya ang Social Security Act upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.
Nakapaloob sa Batas sa Katatagang Panlipunan ang Magna Carta of Labor na itinadhana upang magkaroon ng sapat na sweldo ang mga manggagawa , ligtas sila sa pinagtatrabahuhan at may tiyak na over-time pay at iba pang benepisyo.
Masasabi mo bang ang ginawa niyang iyon ay katarungang ipinamahagi nya sa mga Pilipino? Gaano ba ito kahalaga at ano ang magandang dulot nito?
Enzo,ang katarungan o ang tinatawag na hustisya ay napakahalaga. Dulot nito ay tahimik ang mamamayan, bakit?Dahil sila ay malayang nakakagalaw upang mabuhay at mamuhay. Nakakapagtrabaho at malayang nakakapag-isip, nagiging masipag at higit sa lahat sila ay masaya kasama ang buong pamilya.
Wow! Katarungan at kapayapaan pala ang susi sa pag-unlad, Napakahusay talaga ni Pang. Magsaysay. At karapatdapat talaga siyang tawaging Idolo ng Masa.
O bilib ka talaga sa kanya!Madami pa siyang naging programa at isa lamang iyang nabanggit ko na nakatulong upang ipalaganap ang kapayapaan at katarungan.
Tama ka Danel! Isang pangulong ipagpapatuloy ang mga adhikain ni Pang. Magsaysay.Mabuhay ka Pangulong Magsaysay!
Nakakalungkot ang maaga niyang pagkamatay . Mas marami pa sanang tao ang matutulungan niya.Pero 'wag tayong mawalan ng pag-asa para sa darating na halalan. Ipagdasal nating piliin ng ating mga kababayan ang kandidatong may mahusay na paninindigan tulad ni Pang. Magsaysay.