Ayos naman po. Tinalakay lamang namin kung bakit mahalaga ang pagkilatis sa mga kakandidato sa darating na eleksyon
Ganon ba? Tara sa sala at ikwento mo sa akin ang inyong tinalakay.
Sige po.
Ano-ano naman ang inyong napag-usapan?
Pinag-usapan po namin ang mga kandidato at kung ano ang dapat naming isaalang-alang sa pagpili ng iboboto
Pinayuhan po kami ng aming guro na pumili ng lider na makakatulong sa atin at magpapaunlad sa bansa.
Tama. Ang lider dapat ang tumulong at hindi ang magpapahirap sa atin.
Konting panahon nalang at makakaboto ka na. Lagi mong tatandaan na huwag magpapadala sa pambobola ng mga politiko at pumili ng lider na hindi corrupt. Iboto mo ang taong malinis ang intensyon at hindi magnanakaw ng kaban ng bayan.
Opo. Hindi ko po sasayangin ang aking boto.
Maging matalino ka sa pagboto dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng ating bansa.
Opo. Tatandaan ko po ang mga natutunan ko ngayon upang maging maayos ang hinaharap natin. Maraming salamat po.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!