Araw ng Lunes, biglang napabangon sa higaan si Tori dahil siya ay late magising dahil magdamag siyang nagbasa kahapon. Hindi niya naalala na mayroon pala silang pagsusulit ngayon sa ESP.
Oh Tori, bakit ka nagmamadali anak?
Ma, late na po kasi ako at meron pa po kaming exam ngayon kaya mauuna na po ako.
Dali daling tumakbo si Tori papunta sa kaniyang paaralan at nagdadasal na sana ay hindi pa nagsisismula ang kanilang pagsusulit.
Sana ay wala pa si maam sa silid kung hindi ay mahuhuli ako sa pagsusulit.
Tine, buti naman at nakita kita akala ko ay ako lamang ang late sa klase.
Nang makarating si Tori sa kanilang paaralan ay laking pasasalamat niya na nakita niya ang kanilang kaklase na si Tine. Sila ay nag-usap ng sandali at sabay na pumasok sa kanilang silid.
Oh Tori buti at nakita mo ako, sa totoo lang ay naghahanap ako ng kasabay dahil ayaw ko mapahiya sa klase.
Malaking pasasalmat nila Tori at Tine na nakahabol pa sila sa kanilang pagsusulit. Hindi naman sila pinagalitan ngunit pinagsabihan na sa susunod ay agahan ang pagpasok. Pagkatapos ay nagsimula na silang magtest .Sa kalagitna ng kanilang pagsusulit at napansin ni Tine na nahihirapan si Tori sa pagsasagot kaya't inalok niya ito na mangopya na lamang upang matapos na siya.Ngunit tumanggi si Tori dahil nais niyang sagutan ito ng walang halong pandadaya.
Ayoko Tine mas mabuti ng bumagsak ako kaysa naman sa mandaya ako.
Masama ang pandadaya kaya hindi ko iyon gagawin dahil mas maganda ng maging totoo sa sagot kaysa sa kuha lamang sa iba.
Pst! Tori! Mangopya ka na lang sa akin para matapos ka na rin.
Tine, sa susunod ay huwag mo nang gagawin iyon na mag-aalok ka na mangopya na lamang dahil iyon ay masama. Dapat ay maging totoo ka sa iyong sagopt.
Pagkatapos ng kanilang pagsusulit ay dumiretso silang dalawa sa kantina at pinagsabihan ni Tori si Tine na masama ang ginawa niya kanina na pag-aalok na mangopya sa kaniya.Pagkatapos nilang mag-usap ay natauhan si Tine na mali nga ang kaniyang ginawa at hindi na niya ito uulitin.
Pasensya na Tori nais lamang kitang tulungan kanina. Hayaan mo at hindi na mauulit at magiging tapat na ako sa pagsasagot.