Si Francisco Balagtas na tinaguriang Prinsepe ng Makatang Tagalog siya ay tubong Bulucan. Mahirap lang ang pamilya niya, ang ama niya ay si Juan Balagtas at si Juana Dela Crus naman ang Ina niya. Bata palamang ay siya ay nakakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-aaral. Dahil sa hirap ng buhay kinailangan niyang lumuwas sa Tondo, Maynila at manilbihan bilang isang utusan.
Siya ay naninilbihan kay Donya Trinidad kapalit ng pagpapa aral sa kaniya.
Siya ay pinag aral sa Colegio De San Jose at dito nakatapos ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografiay Fisica at Doctrina Cristiana. Nakapag aral rin siya sa San Juan Deletran at nagtapos ng Humanidades, teologia at filosofia. Dahil sa kaniyang kahusayan ay maraming mga kababaihan ang humanga sa kanya at ang maspumukaw ng kaniyang atensyon ay si Magdale Ana Ramos.
Mula sa Tondo ay lumipat siya sa Pandacan at dito ay nakilala niya si Selya o Maria Asuncion Rivera. Sila ay naging magkasinatahan, ngunit may humadlang sa kanilang pag-iibigan at yun ay si Nanong Mariano Kapule, isang may kaya at may makapangyarihang pamilya. Dahil sa kagustuhang hadlangan ang pag-iibigan ng mag kasintahan ay kaniyang ipinakulong si Francisco ng walang dahilan o pag-labag sa batas
Sa kaniyang pagkakakulong ay naisulat niya rito ang obrang Florante at Laura. May ilang nagsasabi na ang obra ay tinapos niya sa Udyong, Bataan, dito sa lalawigang ito siya nanirahan pagkatapos mabilanggo. Dito rin niya nakita ang babae na kaniyang ihaharap sa dambana, si Juana Tiambieng. Si Francisco ay muling nakilala dahil sa kaniyang husay at naging kawani sa hukuman.
Sa kasamaang palad ay inakusahan siya muli at nabilanggo , kung saan ay pinutulan daw niya ng buhok ang isa sa mga utusan ni Alferez Lucas. Matapos mabilanggo ay sinalubong siya ng hirap ng buhay, dahil naubos na ang kaniyang kabuhayan. Gayumpaman ay ipinagtuloy niya ang pagsulat hanggang siya ay bawian ng buhay noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!