Search

Unknown Story

Copy this Storyboard
Unknown Story

Storyboard Text

  • Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose (Comics strip)
  • Sa murang edad, hinangad maging pari ni Hermano Pule. Kaya naman noong 1829 sinubukan niyang pumasok sa Orden ng Dominikan sa Maynila ngunit.....
  • Wala kang karapatang maging pari dahil isa kang Indio!
  • Ang Diyos ay Diyos ng lahat at hindi para sa mga dayuhan lamang.
  • Noong 1832, itinatag niya sa Lucban, Quezon and Confradia de San Jose, isang kapatirang panrelehiyon na kinabibilangan ng mga magsasaka. Ibinahagi niya sa mga ito na...
  • Dahil dito, inaral niya ang doktrina ng simbahan at isinapuso ang nilalaman nito habang nagtratrabaho sa Ospital ng San Juan de Dios.
  • Labis itong ikinagalit at tinutulan ng pamahalaang Espanyol sa pamumuno ni Gobernador-Heneral Marcelino de Oraa Lecumberri. Ipinag-utos niya sa kanyang mga kawal na buwagin ang mga kapatiran at dakpin ang mga ito.
  • Dakpin niyo si Hermano Pule at ang kanyang mga kasapi! Labag sa doktrina ng simbahan ang kanilang ginagawa!
  • Masusunod po, mahal na Gobernador-Heneral!
  • Marami ang namatay na mga kabataan, kababaihan at mga matatanda ngunit nakatakas si Hermano Pule at siya ay nagtago sa Barrio Gibanga.
  • Ikaw ba si Hermano Pule? Isa kang ahas! Isa kang taksil sa lipunan
  • Agad ding nadakip si Hermano Pule at ang kanyang mga kasamahan.
  • Hindi kami mga Ereje! Ang nais lang namin ay isagawa ang mabubuting gawain ng isang kristyano.
  • Nakulong si Hermano Pule at ang kanyang iba pang mga kasapi at siya ay hinatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad noong Novembre 4, 1841 . Pinagputol-putol ang kanyang katawan at ibinandera ang kanyang ulo sa publiko upang magsilbing babala sa mga nagnanais na lumaban sa pamahalaan.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family