Nami-miss ko lang po si Papa. Sobrang abala po kasi ni Mama sa ibang bagay simula no'ng nawala po si Papa.
Gusto mo bang pagusapan, Tanya? Puwede mo naman sabihin sa akin kung anong problema, baka matulungan kita.
Magandang araw, Tanya! Oh, bakit ka malungkot? Kanina ka pa pala hinahanap ng Mama mo.
Huwag na po, baka po nakakaabala na po ako sa inyo.
Hindi ka abala, Tanya, ano ka ba. Alam ko ang nararamdaman mo. Kaya tara na, dalawin na natin ang Papa mo, Alam kong miss ka na rin niya.
Sige po, Ate Denise.
Gusto mo ba siyang puntahan? Sasamahan kita!
Sinamahan ni Denise na magtungo si Tanya sa sementeryo upang madalaw ng bata ang kaniyang pumanaw na Ama noong Hulyo lamang. Dahil naiintindihan ni Denise ang nararamdaman ng bata sapagkat pareho silang ng karansan sa buhay; maagang naulila sa ama kaya't malambot ang puso ni Denise para kay Tanya.
SEMENTERYO
Tanya, huwag mong sabihan 'yan. May mga oras talaga na nakalaan para sa lahat ng tao at hindi natin yon mapipigilan.
Magandang araw po, Tito! Dumalaw lang po kami ni Tanya dahil nami-miss ka na niya.
Papa, kumusta ka po diyan? Miss na miss ka na po namin... sana po hindi ka na lang umalis.
Pero miss na miss ko na po si Papa.
Lahat naman kasi tayo ay mawawala rin sa mundo. At hindi iyon maiiwasan. Maaari mong ma-miss ang mga wala na sa tabi natin pero... kailangan pa rin nating pahalagahan ang mga taong nasa tabi pa rin natin.
Sige, Tanya. Tayo'y umuwi na, alam kong alalang-alala na sa'yo ang Mama mo.
Katulad na lang ng Mama mo, Tanya. Nasa tabi mo pa rin siya at nagsisikap siya para sa'yo. Naiintindihan mo ba?
Opo, Ate. Pasensiya na po. Gusto ko na pong umuwi. Hihingi rin po ako ng tawad kay Mama dahil pinagalala ko siya.
Pasensiya na po, Ma. Kung hindi po ako nakapagpaalam sa inyo.
Salamat po, Ate Denise! Ingat po kayo.
Tanya! Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako nagaalala sa'yo.
Wala pong anuman. Tanya, huwag mo ring kalilimutan na kahit wala na sila, mananatili pa rin lahat ng alaala nila sa atin. Alis na po ako, Tita.
Anak, huwag mo nang uulitin iyon, Nagalala ako sa'yo. At Denise, Salamat sa'yo.
Galing po kami sementeryo, Tita. Dinalaw lang po namin si Tito.