Search

Untitled Storyboard

Copy this Storyboard
Untitled Storyboard
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Marahang naglalakad si Ibarra na walang tiyak na patutunguhan. Nakarating siya hanggang sa Liwasan ng Binundok. Nang biglang maramdaman niya ang marahang dantay ng isang kamay sa kaniyang balikat
  • Maaari po bang sabihin ninyo ang kaniyang naging kapalaran?
  • Akala ko'y alam na ninyo, ngunit huwag kayong mabahala. Dito po'y kailangang mabilanggo upang maging marangal.
  • Binata, mag-iingat kayo! Ang nangyari sa iyong ama'y isang halimbawang hindi na dapat maulit pa.
  • Pinagbintangan ni Padre Damaso ang iyong ama na hindi nangungumpisal gayong alam naman niya ito. Para sa iyong ama, ang isang pagkakasala ay hindi mapapatawad at makukuha sa paglilimos. Sa pulpito ay pinasasaringan siya ni Padre Damaso
  • Tumigil sandali ang tenyente sa pagsasalita
  • Nang panahong yao'y may isang artilyerong naalis sa pagkasundalo dahil sa masamang ugali. Ginawa siyang tagasingil ng buwis ng mga sasakyan. Ang dating artilyero'y kilala sa kalupitan at kamangmangan.
  • Isang araw, ang artilyero'y tinukso ng mga bata at sinigawan ng ba, be. bi, bo, bu. Hinabol niya ang mga bata at nang abutan ay pinukol ng kaniyang baston. Ang batang tinamaan sa ulo ay nalugmok. Siyang pagdaraan ng iyong ama hinawakan niya sa bisig ang artilyero at saka minura.
  • Nakita na lamang na ang artilyero'y napasuray sa malayu-layo at ang ulo'y bumagsak sa bato. Sumuka ng dugo at namatay ang artilyero. Nabilanggo ang iyong ama. Siya'y pinaratangang pilibustero at erehe. Pinaratangan siyang bumabasa ng El Correo de Ultramar at ng mga pahayagan sa Madrid at dahil pa rin sa nakuhanan siya ng larawan at liham ng isang paring binitay
  • Dapat sana siyang makalaya sapagkat pinatunayan ng manggagamot na ang ikinamatay ng artilyero ay pamumuo ng dugo sa ulo. Lumapit ako isang batikan at binatang manananggol na Pilipino, si G.M..ngunit siya'y tumanggi. Sa payo niya, lumapit ako kay G. A. Ngunit bawat paratang na mapasinungalingan niya'y pinapalitan agad ng ibang paratang
  • Isinakdal ang iyong ama na nangangamkam ng mga bukirin kaya't pinapagbayad siya ng kapinsalaan. Pinagbintangan din siyang kasabwat ng mga tulisan. Nang siya'y malapit nang lumaya, ang kaniyang katawang nanghihina sa pagkakapilipit at pag-iisip ay naging sanhi ng kaniyang pagkakasakit na ang tanging lunas ay kamatayan.
  • Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, pumasok sa kuwartel ang tenyente at sumakay naman sa kalesa si Ibarra at nagpahatid sa Fonda de Lala.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family