"Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon."
Kinakantiyawan ako sa bukid, Tatay. Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan... bakit daw kay liit ng saranggola ko!
Tingnan mo, hindi nasira. Kung guryon 'yan, nawasak na dahil sa taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging nawawasak.
Anak... dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi.
Kawawa nga ako, Tay.
Isang araw, humiling ang anak sa kanyang ama na ibili siya ng isang guryon.
Pinapahiran talaga ako ni Itay.
Hindi totoo sinabi mo, anak. Alam mong mataas ang pangarap nya sayo. Ibig ka nyang maging isang inhinyero.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan.
“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?”
“Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”
Lumipas ang ilan taon hanggang maging katorse na ang edad ng bata, nakalimutan na niya ang tungkol sa saranggola. May iba na siyang hilig, damit, sapatos, malaking baon sa eskwela at pagsama-sama sa mga kaibigan.
“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay,”
"Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada, pinatatao at pinapatulong sa kanilang negosyo.
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.