Search

Ang Paghuhukom: Kabanata 5

Copy this Storyboard
Ang Paghuhukom: Kabanata 5

Storyboard Text

  • Ang pagdaan ng mga araw a sumaksi sa pagpahid ni Fak ng balsamo sa kaniyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga ng kaniyang mukha at maibsan ang sakit na nadarama ng kaniyang loob.
  • Ang Paghuhukom: Kabanata 5
  • Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsauli sa apat na ngiping nawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kaniyang bibig.
  • Kaya ang dumaraang mga araw at gabi'y sumasaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya'y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak nang gabing iyon ay hindi lamang nag-iwan ng sakit sa kaniyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kaniyang isipan. Sa loob niya ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahan ang mga nanakit sa kaniya.
  • Gusto kong makapaghiganti! Paano ko kaya bubuweltahan ang mga nanakit sa akin?
  • Natatandaan niya nang malinaw na ang dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kaniya nang gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ng kutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito na huwag niyang patayin.
  • Gusto ko silang suntukin at saksakin!
  • Gayunpaman, sa pagdaan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti, at unti-unti, tuluyan nang napawi ito. Marahil ay dahil likas kay Fak ang ganoong tipo ng tao, gusto niya lang ng kapayapaan. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari, pero natakot naman siyang balikan at salakayin muli ng pamilya ng dalawa, at hindi na matatapos ang gulo. Nang iwan na siyang lubos ng hangarin niyang makapaghiganti, naisip na lang niya: Kalimutan na iyon!
  • Kalimutan mo na iyon!
  • Minsa'y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyog ang bata. Gayunpaman ay naiiwan niyang wasak ang kaniyang isip, tulad sa isang piraso ng salaming binasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari'y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili'y hindi na siya magiging tulad ng dati, at mahaba-habang panahon bago niya maibalik ang sarili sa normal.
  • Hindi ko dapat pinukol ng niyog ang bata.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family