Search
  • Search
  • My Storyboards

SOCIAL MEDIA ADDICTION

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
SOCIAL MEDIA ADDICTION
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Ang hirap naman maintindihan ang aralin natin sa ESP! Ang boring!!
  • Haynako! Makinig ka kasi ng mabuti sa ating paksa at ito'y iyong isapuso't isaisip upang mas lalo itong maging malinaw at iyong maunawaan
  • Ba't mo pa siya tinulungan, Lira? Mga abala lang sa daan ang mga katulad niya. hmmp!
  • Hindi kailanman magiging abala ang mga katulad niya Ana bagkus ay kailangan natin silang tulungan.
  • Walang anuman po. Mag-iingat po kayo sa inyong paglalakbay.
  • Maraming salamat sa iyong pag-alalay, Binibini! Nawa'y kaawaan ka ng Maykapal.
  • wow! Ang rami naman ng mga salaping ito. Sino kaya ang kawawang may-ari na nakawala ng mga ito?
  • Talagang napakarami, ang swerte naman natin ngayong araw! Huwag mo nang alamin kung sino ang may-ari at paghatian na lamang natin ang mga ito, at sa wakas mabibili ko na rin ang mga bagay na gusto ko.
  • Magkasamang umuwi ang magkaibigan na sina Lira at Ana pagkatapos nilang mag-aral sa kanilang paaralan. Napag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang aralin na kung saan mahirap maunawaan ni Ana ang mga paksang kanilang tinalakay kaya't minabuting bigyan ni Lira si Ana ng mga halimbawa at pagpapakahulugan para kahit papaano ay maunawaan at maging malinaw ito para sa kaniya.
  • Marami nga tayong mabibili ngunit hindi naman sa atin iyon at baka mas kailangan ito ng nakawala. Sabi ng aking nanay na masama ang magnakaw at maging sakim ng dahil lang sa pera, kahit walang nakakita ay nararapat ko itong isa-uli sa mga awtoridad
  • Hindi ako sang-ayon sa iyong kagustuhan, kaibigan. kinakailangan ko itong isa-uli sa totoong may-ari.
  • Ano ka ba naman Lira, hindi ka ba nag-iisip? kung paghahatian natin ang salaping iyon ay marami tayong mabibili.
  • Bahala ka na nga diyan!!
  • Habang sila ay naglalakad, may nakita silang isang lalaking may kapansanan na sinusubukang tumawid sa kalsada. Biglang nagalit si Ana dahil nakakaabala raw ito sa mga drayber at mabagal itong kumilos ngunit hindi na nagdalawang-isip si Lira na tulungan ito kaya't inalalayan niya ang lalaki at pinahinto ang mga sasakyan.
  • Nararapat ko bang sabihin ang tungkol sa napulot kong pera sa aking nanay?
  • Mas magiging masaya at mapapanatag ang aking kalooban kung may malinis akong gawain at konsensiya kaya ibibigay ko na lamang ito sa aking nanay,
  • Mukhang magiging masaya naman ako kung paghahatian namin ng aking kaibigan ngunit masama itong gawain.
  • Nang makarating sila sa parke, nagulat si Lira sa kaniyang nakita, isang limpak ng salapi ang kaniyang nadatnan sa tabi ng daan. Kinuha niya ito at balak isa-uli sa may-ari subalit salungat naman ang kagustuhan ng kaniyang kaibigan, gusto niyang paghatian na lamang ito dahil wala namang nakakita at imposible na mahanap pa ang may-ari.
  • Nanay, may napulot po akong salapi habang kami ay pauwi ng aking kaibigan
  • Hinahangaan ko ang iyong katapatan at kabutihan, anak. Masasabi kong pinalaki talaga kita ng maayos.
  • Ang dami naman niyan, anak. Bukas na bukas ay isasa-uli natin ito sa mga awtoridad upang mahanap ang totoong may-ari
  • Patuloy parin ang pagtatalo ng dalawang magkaibigan dahil sa magkaiba sila ng kagustuhan. Sa kabutihang palad, hindi nasilaw sa pera si Lira at nanatili ang kabutihan sa kaniyang kalooban at konsensiya para sa nakawala ng pera kaya kahit patuloy sa pananalita ang kaniyang kaibigan tungkol sa kaniyang masamang balak ay nagpasiya itong ibigay na lamang sa kaniyang magulang para sila na ang magsa-uli nito sa mga awtoridad.
  • Pag-uwi sa bahay, sinimulan na ni Lira ang kaniyang mga responsibilidad sa mga gawaing bahay. Nagmuni-muni ito at pinag-iisipan ng mabuti ang susunod niyang hakbang para maging tama at naaayon lamang ang kaniyang maging pasiya para sa pera.
  • Sumagi sa puso't isipan ni Lira ang pagkakaroon ng magandang kalooban at malinis na konsensiya kaya't napagpasiyahan nitong sabihin ang katotohanan na may napulot siyang pera sa kaniyang nanay.
  • Salamat po. Pinapanatili at pinapahalagahan ko lamang ang inyong mga ginintuang aral tungkol sa pagkakaroon ng mabuting asal, mahal kong Ina
Over 30 Million Storyboards Created