Search

Unknown Story

Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Ngayong New Normal, mas madalas na hindi ko nakakasama ang aking mama sa bahay. Kailangan niyang pumunta sa aming business upang i-manage ito, kaya umaalis si mama ng maaga, pero sinisigurado niya na gising na ako upang maghanda sa aming klase. Kailangan daw ni mama na tumao sa aming negosyo. Mahirap daw po kumita lalo ngayong pandemic sabi ni mama.
  • Ngayong New Normal namin sa pag aaral ay nakakapanibago, sa paggising ko sa umaga ang kailangan ko na lamang gawin, gumising at kumain. Kapag okay na, mag oopen ako ng aking kompyuter at aattend na sa aming klase. Tinatawag itong online class.
  • Kailangan sa pag attend ko ng online class ay dapat malakas kahit papaano ang internet connection kaya meron kaming WIFI sa aming bahay. Minsan naman nagkakataon na humihina ang aming koneksyon. Nakakapanibago man kasi yung mga activities na pinapagawa samin dati dapat nasa loob ng classroom ngayon ay halos nasa internet at nasa loob kami ng aming bahay.
  • Nahihirapan akong mag-participate sa klase dahil madalas ay nahihiya ako. Hindi ako sanay sa ganitong set-up. Sabi ng aking mama na pursigido naman po ako mag aral kaya pinagpatuloy niya pa rin ako sa pag-aaral. Medyo nahihirapan lang po ako magparticipate lalo na kapag tatawagin po ako. Pero naeenjoy ko po kapag may mga activities kami online tulad ng Quizizz.
  • Pagkatapos naman nang klase, naglalaro kami dati pero ngayon ay pagkatapos agad ng klase namin ay manunuod ako ng bidyo sa Tiktok. Pinapanuod ko ang mga hilig kong laro sa Tiktok. Pagkatapos ay naglalaro na ako ng Roblox at iba pang laro.
  • Pagkatapos nito ay magpapahinga muna ako at kinabukasan ako mag sasagot ng modyuls namin. Dati libro ang aming ginagamit ngayon ay modyuls at mga online activities na pinapaggawa sa amin ng aming guro.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family